header image
 

bakit pag gusto mo, ayaw mo… at pag ayaw mo… magulo?

ganyan ang nasa isipan ko ngayon.

minsan, (gaya ngayon)… marami kang gusto at dapat na gawing mga importanteng bagay pero hindi mo magawa… may mga rason diyan. gaya ng..

1.  tinatamad kang gawin yun.

2.  may mas importante kang dapat gawin. at

3.  tinatamad kang gawin yung number 2.

hay!!!

ano ba tong mga pinagsusulat ko dito.

kumusta naman ako.  malapit na ako makagraduate. sa wakas! muntik pang madelay ulit kasi may iniimpose na bagong curriculum para sa BSA. buti nalang di kami totally affected. pag nagkataon, 23 yrs.old na ako makakagraduate! please lang!

tapos na din ang defense. medyo sblay dahil sa sisenta pesos na discrepancy sa financial statements pero atleast di na pinarevise sa amin.

isa na lang. FINAL EXAM!  sa lunes na yun. pero di ko pa tapos aralin kasi madami akong iniisip. kung ano anong bagay. di ko maintindihan sarili ko. nababaliw na yata ako. wag naman sana!

iniisip ko na lang.. pagkatapos ng march 20…makakapgliwaliw na ako! mkakapag internet na ko buong magdmag… makakapg mall hopping na ako… mkakatulog na ko nang maayos… makakapag food trip na din ako… at makakapag out of town getaways! pero after march 20 pa yun. haynaku.

cge. tska na lang yung ibang writeups ko ha. magaaral na ako.

sana april 21 na! bakit kanyo? sikret!

walang tubig! (hinaing ng taong gutom)

Hay, malapit na nga talaga ang eleksyon.

Gumising ako ng maaga kanina. Earlier than the usual wake up time. Wednesday kasi ngayon. Ang sked ko sa klase ay 9am, so dapat by 6am gising ka na para hindi masira ang byuti mo sa pagpila sa fx terminal (option 1), o di kaya, makasabay ako sa daddy ko para sa LRT na lang ako sasakay papuntang school (option 2).  Option 1 will cause me to incur Php60.00 transportation cost, while option 2 will just cost me Php20.00. I should take the 2nd option in order for me to achieve Php40.00 savings (60-20). Kamote! Nagkukwento ako ah! Bakit may management accounting na napasok! Grrr sorry po.

Anyway, yun nga, kahit 6am dapat eh gising na ako, 7.30am ako gumigising kasi tinatamad ako gumising ng maaga nowadays. You’ll never want to know kung bakit. Baka kasi may makabasa eh isumbong pa ako. At hindi pa ako maka-graduate. J

Pero this day is a different one. For two reasons: (1) may exam kami sa acctg14, at (2) may JOB FAIR kasi! Napuyat pa nga ako dahil sa kakaisip ng mga posibleng sagot sa posibleng itanong sa akin sa job interview at sa paghahanap ng corporate attire. Nung una nga dapat magiiskirt ako above the knee, pero hindi ko na lang tinuloy kasi baka pag upo ko pa lang eh din ako matanggap sa trabaho. Kaya nag slacks na lang ako, turtleneck at blazer courtesy of Katrina Cortez.

Paggising ko nga nang maaga, nainis ako dahil pagtingin ko sa banyo eh WALANG TUBEEEEGGG! (ganyan talaga ang nasabi ko nun.).  Kaya naman naghagilap ako ng pwedeng pagkuhanan ng tubig sa labas ngunit yung mismong igiban dito ay walang tubig din. Pagbalik ko, sinabi sa kin ng daddy ko na “may isang palangganang tubig pa sa may laundry area, ikaw na ang gumamit nun.” Kamote. Mga limang tabo lang! paano yun magkakasya sa isang matangkad na kagaya ko… kaya ang ginawa ko, nandekwat ako ng konting tubig sa mineral water dispenser para makadagdag sa pampaligo. Nyaks. Soshal nuh. Alam ko sayang kung pangpapaligo ko lang, eh wala naman akong choice! Alanaganamang pumunta ako ng job fair na may shampoo pa ang buhok ko diba.. o kaya naman may soap suds pa yung braso ko…

Tinanong ko sa tatay ko (nakaligo na ko by that time) kung bakit walang tubig.  Sabi niya may binutasan kasing parte ng kalsada dito sa may amin. Aayusin ata ang drainage at tubig. Ok ok.

Nakasabay ako sa tatay ko kaya nagkaron ako ng Php 40.00 savings sa transportation cost ko. Nung nasa kotse na kami, sa byahe, napansin ko na ang traffic masyado. Akala ko may banggaan lang o kung ano. Nung Makita ko ang salarin sa trapik… aynaman! Ginagawang kalsada ulit!

Nung naglalakad na ako papuntang skul, sobrang maingay ang kapaligiran. Nung papalapit na ako sa pinagmumulan ng ingay, napabuntung hininga na lang ako. Bakit?  Dahil may isang malaking trak (parang yung mga trak sa tank wars) na nagtitibag ng semento. Katabi nun ay mga men in orange na naghuhukay ng kalupaan. Hukay dito, hukay doon. Looks family to ah! May ginagawa na naman na kalsada.

Tsaka ko naisip na kaya ganun kasi malapit na ang eleksyon. Pabanguhan na naman ng mga pangalan ng mga kunsinong mga tao dyan na may kagustuhang tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno natin. Minsan nga pag napapatingin ako sa mga dingding sa kalsada, kahit magdrawing na lang ng pusang maliit sa dingding basta mailagay lang ang pangalan ng isang tao eh, in 100000+ font size, times new roman pa (matapos ang isang katagang IN GOD WE TRUST, in size 36 font size, wingdings pa.). O kaya naman eh lahat ng okasyon, may pabati ang ilang mga tao diyan. Yung tipong kahit birthday ng katulong nila eh ipapabanner pa (e.g., HAPPY BIRTHDAY INDAY! From mr. & Mrs. So and so and family).  Eto pa, kahit saan ako tumingin, sa waiting shed, sa mga tulay, ultimo sa paso ng punong strawberry, eh nakatadtad ang pangalan ng NAGPAGAWA NG MGA ITO (e.g., a project of Mr and Mrs Echlavou and family). Joke lang yung may family. Hehehe.

Sa totoo lang, sawa na ako sa ganyan. Iniisip ko na nga lang eh pag bumoto ako, partylist na lang ang iboboto ko, CIBAC! O dba, hanep sa segue… hehehe!

Seriously, nagppray ako n asana matuto naman tayong lahat! Hindi lang ang mga botanteng pinoy, pati na ang comelec at ang pamahalaan… mukha kasing naglolokohan na lang tayo eh.

Para

maiba lang diba.

O siya, gutom na ako.

usapang buhusan ng tubig imburnal

january 20, 2007.

almost 10.30am. ako’y umalis ng bahay para pumunta nang maaga sa school at mag aral ng MAS (acctg14) kasi midterms na namin sa lunes. medyo hindi ko pa siya naiintindihan bunga ng mga bagay na hindi maiiwasan. kung anuman ang bagay na yun, akin na lang yun.

ang suot ko:  yellow na cebu souvenir shirt. tattered jeans by bench, and bench flip flops. nakalugay ang buhok ko nun kasi at least mailugay lang habang basa pa… pag natuyo kasi yan… you dont want to see kung ano magiging itsura ng buhok ko. sabay naka shades ako. bakit. mataas naman ang araw ah. walang pakialamanan. madami akong dalang libro nun, pati libro sa auditing meron ako. tapos dala ko din ang mga handouts ng sample problems namin sa auditing.

nag abang ako ng tricycle. papunta sa sakayan ng fx ng quiapo. nung sumakay ako, nagtaka ako sa manong drayber, dahil dun siya dumaan sa unusual na ruta. inisip ko, ah, baka shortcut lang niya. pero nang malaon, napansin ko na hindi na sya shortcut. may isinakay pa siyang babae na nagaabang din. medyo nabadtrip ako. "ano ba, special na nga eh, nagsakay pa tong mamang to. badtrip." eh di ayun, habang bumibyahe, bigla uli siya nagtahak ng ibang daan. lubak lubak at maalikabok na daan. hala, san kaya papunta ito?

yun pala, naalala ko na pyesta pala sa barangay namin. ah, kaya pala medyo matraffic kanina.. kaya din siguro nag iba ng ruta ang drayber na itetch. tapos, dinaanan namin ang bolante compound. isang depressed area na malapit sa palengke ng pasig. tapos, napansin ko na basang basa ang mga taong nasa bangketa. at yung iba, may dalang tabo at balde at mukhang masasaya sila.

uh-oh.

yun ang nasambit ko… sabay nagpray ako…

LORD WAG SANA NILA KAMING BASA….

biglang may nagbuhos sa akin ng tubig. narinig ko ang tawanan at pangaasar ng mga lalaki.

hindi pa nakuntento… binuhusan pa ulit ako. isang tabo. at isa pa. at isa pang balde.

…IN. dun ko lang natapos ang inusal kong panalangin.

"kamote. LORD naman eh!"

yun ang nasambit ko habang may isang baldeng tubig pa ang tumilapon sa katawan ko.

basa ang bagong libro ko. basa ang bag ko, pati ang mga laman nito. basa ang envelope ko pati ang handouts ko. pati celfone ko nabasa at nasira. at higit sa lahat, NABASA AKO. ang mata ko lang ang hindi nabasa. yung eye area ko. kasi mejo malaki ang suot kong shades kaya nakaligras ito sa mapang asar na buhos ng tubig.

hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung mga oras na yun. yung babaeng katabi ko panay ang sabi ng $#!t… ako hindi na ako nakapagsalita pa sa galit. gusto ko bumaba ng tricycle at ayain ng suntukan yung mga nambasa… pero naisip ko din na baka kuyugin ang beauty ko nun kaya di ko na tinuloy ang maitim kong balak.

habang nagiisip ako ay may nambuhos uli. at hindi lang sya ordinaryong tubig. hindi tap, hindi poso… dahil medyo gray ang kulay ng tubig…. kung ano ang iniisip mo… kung san nanggaling ang tubig na yun… basahin mo na lang ang title ng post ko. yun na.

grabe. bakit may mga ganung tao? hindi ako nakapasok dahil sa nangyari. sabi ko sa manong… IUWI NIYO NA KO!

sabi ba naman… "dun ba uli tayo dadaan?"

gusto ko umbagin nang pabaligtad ang draber na yun kasi pakiramdam ko… pinagkaisahan nila ako!

nung umuwi na ko ng bahay, direcho CR ako at binuksan ang shower. para akong nagahasa "OA nuh" na kakaiyak.. kasi hindi ko matanggap ang nangyari sa akin. tinawagan ko ang mga kapamilya ko upang ibalita ang trahedyang nangyari sa akin. ang hindi ko alam, madami din nakaalam dahil pinagkalat ng nanay ko sa office nila yung nangyari sa akin. pero ayos lang. nanay ko naman yun eh.

ang masasabi ko lang. hindi ko talaga makakalimutan ang nangyari sa akin. as in.

kung ikaw ay kumakain at naiyak sa pagbasa ng post na ito, excuse me po.

kumusta naman….

that’s my official expression for the meantime. but for me, it’s not merely an expression. i really mean it.

milenyo, milenyo, milenyo. (ang hirap itype ng milenyo ha. try mo lang!) grabe. ibang level ang lakas ng hangin sobra…. nakakatakot talaga… kala ko nga bibigay yung poste ng kuryente sa may amin eh.,.. sa sobrang takot ko naparami ang kain ko ng fried chicken.

2 days din brownout. hays… sobrang kalokarech ng ulirat… buti na lang nakapagcharge ako ng fone ko hehehe… kaya yun… ayos lang kahit brownout…

kagabi lakas ng trip ko,,, nood ako ng sine mag isa… STEP UP and movie.. grabe ang ganda… galing sumayaw ng girl… sana lang ganun din ako wahahaha… pero di kasi bagay mashado akong matangkad para sumayaw ng ganung kalupit…

bukas JIL anniv na… exciting. kasi diba, ang saya, after ng matinding hagupit ng bagyo… yun ang opportunity ni God na maipamalas ang glory and mercy Nya sa atin… and i cant wait to witness that…

sa ngayon. masaya ako. masayang masaya. sapagkat….YUN NA! hehehe… la lang…

yung lumang number ko po na 0915-5773657 wala na po, nagiba na ako ng number… may tinataguan kasi ako. joke… hehehe may blessing po kasi eh… at para makuha ko ang blessing na yun eh dapat mag iba ako ng number. hehehe… :D

cge uwi na ko… nagugutom na ako eh.

comment ka naman kung gusto mo lang. :D

much has been said.

kasi yan ang title ng song dito sa net shop. it’s been ages since i last made a post in here.

well! look do we have here! hehehe. this is the final week before our deadline for our case analysis in management. but honestly, i dont know where to start my part for the write up. then this week will be our departmental acctg quiz. horrible. toxic. 2 words that describes how i’m feeling as of the moment. i dont know if i could reach the finals for this semester with a sane mind. hehehe. this is indeed the hardest semeseter for me.

last week i joined the jpians in visiting Isla Lipana and CO., an auditing firm in makati. i was impressed by the way the HR personnel presented the firm to us. i’m considering the firm to be one of my options when i look for a job. :) i got excited to enter the ‘working’ life. :) though some says that if theyll be given an option whether to study or work.. they’ll take the first choice. well i dont know. lets see when i get there.

i wasnt able to attend church yesterday because of a school activity. i got kinda frustrated because ill take the exams this week without attending church. hehehe. well i guess i have to do my part and pray hard for this.

hmmm. much has been said. i guess. ive got nothing more to say.

feel free to post comments or violent reactions. :) itll be very much appreciated. God bless ya’ll! :D

i am standing at the edge of the earth.

pwede ba yun? may edge ba ang earth?

well, wala akong maisip na title eh. yan nagkataon yung title ng song na pinapatugtog dito sa shop. kaya yun na lang ang title ko.

kakatapos lang ng exam ko sa accounting 8. and subject description: Advanced Accounting, Part 2. odba, may sequel pa yung part1… nakakainis! sobrang frustrating ang exam namin. ano ba nga bang bago dun, tuwing may accounting exam naman ako, lagi akong frustrated afterwards. akala ata kasi ng professor namin dun eh mga CPA reviewees ang tinuturuan niya, kaya puro shortcut sha sa pagtuturo at sobrang bilis pa niya magdiscuss! err.. di pala sha nagdiscuss, deretso problem solving na kami. odba, ang bilis ng pangyayari?

move on, karen. move on. ganyan ang motto ko after each accounting exam. wala na tayong magagawa, nasagutan na eh. sana lang magka correction na pabor sa score ko dba. hehehe.

anyway. this year, i think is the hardest and most crucial one for me (i mean it, promise.).  i really have to work hard na makapasa. lalo na’t all star cast ang prof ko this sem. sa pambabagsak. hehehe. tapos departmentalized quizzes na din kami. kaya mas lalong nakakaloka ng kautakan. basta i’ll do my best and i’ll pray hard na din. para maka survive. i can’t do this all alone.

all i could say as for now is that…. ANG HIRAP TALAGA NG PINASOK KONG KURSO. wahayyyy…. konting months na lang malalagpasan ko din to… :)

patay ang social and love life ko nga ngayon eh. ahehehee.

cge i have to go na, nagpatawag pa ko ng meeting sa school eh. sosyal!

tapos na ang maliligayang araw ko!

yup, you read it right. tapos na ngang talaga. kasi pasukan na naman! waaaahay! madami pang activities ang nag aabang along the way. sa USBC, sa SSC, at sa ACCOUNTING 8 10 11 12! wahahaha… nakakabaliw yata ito nuh. God bless na lang sa ating lahat!

ONE YEAR NA LANG GAGRADUATE NA DIN AKO! :D

Sige yun lang, uuwi na ako.

**p.s. thanks pala sa lahat ng pumunta sa bahay namin last june 10… nung house blessing namin… sa mga hindi pumunta na pinapapunta ko… HMP! hehehehe, joke lang. well, ganun talaga eh.

it’s a cold summer.

one week more to go. finals na. heto na naman, kakabahan na naman ako. tensionado.

i really think that this summer is one of the hardest… pano ko nasabing hardest? aside from the fact that im taking advance accounting subjects, everyday… wholeday… may mga nangyaring kakaiba sa kin ngayon.

sa studies… sobrang toxic! gigising ako nang maaga para pumasok sa school ng maghapon, then afterwards uwi na agad,,, madalas ginagabi pa ako ng uwi… mahirap kasing sumakay sa terminal kasi konti lang ang tao sa recto… tapos ganun! araw araw, paulit ulit lang ang ginagawa ko… gising, kain, byahe, aral, kain, uwi, aral, tulog… nakakasawa. sa totoo lang. pero, iniisip ko na lang, di bale.. one week na lang naman at enrollment na naman for my final year in school!

tapos… i was elected exec. secretary ng student service center sa school, parang yun ang central student council. tapos appointed president ng usbc (org ng body of christ sa school). at first ayoko talaga, kasi dagdag responsibility yun.. tapos masasabay pa sya sa mahihirap kong accounting subjects… pero matagal ko ding pinag isipan… i realized lang na hindi naman yun ilalagay sa akin kung alam nilang hindi ko kaya diba… kaya yun, tinanggap ko na din… sa una lang siguro maninibago ako… pero i know makaka adjust din ako…

hindi na din ako active ngayon sa ministry,… sa church… honestly, spiritually dry ako. ewan ko… kahit nagbabasa ako ng Bible and nagpepray… pag hindi ako nakaka attend sa church… nakakapanghina pa din. kasi kahit sunday nag aaral ako… ang hirap kasi talaga… basta hindi ko maexplain…

family… ayos naman. eto, hindi ko na sila nakikita nang madalas. kasi araw araw sa bulacan na ako umuuwi, sila madalas sa pasig. si daddy and karmi minsan sa bulacan umuuwi… minsan nga nakakalungkot mag isa eh. kaya nga pagdating ko galing school, kakain na lang ako, tapos aral, then tulog na. wala naman kasi akong makakausap dun, mag isa lang kasi ako.pero konting tiis na lang, pag nagawa na ang ang haus namin sa pasig makakasama ko na silang lahat…

lovelife. ahmmm… complicated. sobra. nakakatawa lang, kasi pag gusto mo ang isang tao, hindi na siya pwede… pag siya naman ang pwede… ako naman ang hindi. nakakatawa lang. basta. ayoko na talaga. mag aaral na lang ako.

madalas akong mag isa ngayon. kaya malungkot. tapos maiiwan ka pa ng ibang tao. kung kelang kailangan mo sila, hindi mo mahagilap. nakakaiyak. pero knowing the fact that God is always there to help and comfort me, kahit pasaway ako… ok na din kahit paano. pero mas ok pa din yung palagi kang may kasama at nakakausap from time to time. sa school, masayahin at makulit akong tao. pero pag labas ko na sa school, iba na… dun ko nararamdaman yung sadness of being alone. basta.

yun lang. thanks pala sa lahat ng nagcocomment ha. :) appreciated.

God bless sa ating lahat at sana malagpasan ko na ang summer course ko! sana maka graduate na ako… sana maging CPA ako! hayyy…

eto na naman ako…

hi! kumusta kayong lahat…

ako eto, tumanda na naman. kakatapos lang ng bday last sunday. ayos lang naman.

to tell you honestly, oo ayos naman ang bday ko, pero kung compared last year, may masaya… ewan ko kung bakit… (thanks pala sa mothballs for hanging out with me last sunday,,,). pero lamo yun, yung mga inaasahan kong babatiin ako yun pa ang hindi bumati! hehehe! magtampo daw ba… parang bata nuh… pero yun talaga eh…

nakakatuwa lang kasi kahit hanggang ngayon may humahabol pa din ng bati. hehehe. salamat sa mga testimonials, phone calls, text messages and PM ha!

anyway. mejo pagod ako ngayon kasi kagabi nag practice para sa sunrise service. tska sa special number namin ng acts mime para sa music museum and pup sa april 9. im so glad, kasi ginamit tong instance na to para marealize ko ang mga bagay bagay.

kasi, before, may dinadala akong hatred and bitterness sa heart ko. mainly because of this person na nanakit sa akin. i opt to not to mention his/her name here kasi nasa list ko sha hehehe! i repeatedly told myself na napatawad ko na sha.. pero the truth is, hindi pa talaga. the feeling haunted me each night. i could not sleep because of that. pag nagpepray ako yun lagi ang tinatanong ko sa Lord. bakit ganun,…

pero kagabi, the Lord helped me overcome that. kasi yung sasayawin namin sa sunday… instrumental ng amazing grace. nung pinarinig samin yung song… nagandahan ako. astig. kasi naman, orchestral ang dating… nakakapangilabot…

before the practice, our choreographer, kuya marc, said something that really shook me inside.  sabi niya kasi…"guys, mabigat ang kantang ito…amazing grace… nang dahil sa awa ng Diyos, kahit hindi tayo karapat dapat, pinili pa din Niya tayo.." and while we were praying, i really confessed my sins to Him., i was really crying. The Lord made me realize na having Him is indeed, more than enough.

i dont wanna minister in front of the people if my heart is not prepared. sobrang importanteng puhunan sa ministry ang puso. marami kasing maapektuhan pag nagpagamit ka nang hindi pleasing ang puso mo sa Diyos.

well, ngayon, sa tulong ni God, napatawad ko na yung taong yun… kelangan eh. hehehe. i just pray na mangyari yung will ni Lord sa kanya at maging masaya na siya sa lahat ng gagawin niya.

so…! yun lang po… feel free to post your comments ok?

God bless. maglalaba pa ako.

bagong bahay. bagong buhay.

andito ako sa netopia cubao ngayon. pagkatapos nito bibyahe na ako papuntang bulacan. kakatapos ko lang ayusin kanina ang mga gamit ko (as in lahat) sa pasig. kasi sa monday, gigibain na yung bahay namin dun. irerenovate. kaya habang ganun, sa bulacan na ako magsstay. tska magkaka sunday class na din ako. may PFRS seminar kasi sa school. sayang naman kung hindi ako aattend. updates yun sa PAS… accounting standards. hay. makakatulong sa akin yun sa palagay ko.

pero ngayon, iniisip ko, kahit magawa na yung bahay sa pasig, ayoko na bumalik dun. kasi mas madali ang biyahe ko papuntang skul pag galing akong bulacan, pinakamatagal na ang 1 hour, tapos sa mismong skul na ako bababa. unlike sa pasig na 1.5 hour ang biyahe pag walang traffic. tapos pangit pa mga FX (hehehe) compared sa bulacan na puro van ang sasakyan. hehehe.

kaya lang, pag tumuloy na ako sa bulacan at pag binalak ko na dun na talaga magstay, madami ang maapektuhan. specially ang ministry ko sa kkb and music sa pasig. mamimiss ko lahat ng mga tao dun, specially yung mga mothball girls and rugby boys, mapapalayo na ako sa kanila.  confused pa ako hanggang sa ngayon.  kaya nga sobrang pinapgpepray ko ito kasi ayokong magkamali sa gagawin kong desisyon. 

mejo magulo nga ngayon eh, kasing gulo ng bahay namin sa pasig.  kasi pag ginawa na yung haus dun, sina mom and ate sa pasig magsstay, sa haus ni tita ko, tapos kami ni dad and karmi sa bulacan, kasi mas mabilis ang biyahe dun.. so parang magkakahiwalay kami. eh im not used to that kasi ever since magkakasama na talaga kaming buong family.  though there are times na nag aaway at nagkakatampuhan, things are fixed up after a day or two. hehehe. ewan ko magulo talaga promise.

ngpla, sencia na pala kung madami akong magpost ng bulletin ha. pero naman, hindi naman ako nagfaflood dba, iba ibang bulletins naman yun, tska di ko naman kayo pinipilit na basahin mga bulletins ko eh.  pwera na lang kung sobrang important. pero anyway, pasencia na nga lang. babawasan ko na ang mga bulletins ko hayaan niyo.

next week nasa mariveles ako. inaya kasi akong maka date ng pinsan ko na nagsstudy sa MAAP (maritime academy of asia and pacific ba yun). excited na nga ako eh. hehehe. mukhang masaya yun. tska first time ko mag out of town na ako lang mag isa ang bibyahe. hehehe! adventure ito! sana lang hindi ako maligaw. hehehe ulit.

well! yun na muna cguro! salamat sa mga nagcocomment d2 sa blog ko. wag sana kayong magsawa na bumisita dito. ehehehe. God bless mga friends. aalis na ko. madami pang aayusin eh. hay. naku.