header image
 

ang valentine’s day sa point of view ng isang Single (o It’s Complicated).

February 14, 2008.

I woke up past eight in the morning.

“Kamote. Late na naman ako!”, sabi ko sa sarili ko. Napagod kasi ako last night pag update ng antivirus ng computer ko. I went to sleep at almost 2 a.m.

I did my usual routine. Took a bath, prepared myself for work.

This is my 3rd field work day at the Rockwell. Dumaan muna ako sa office to get the working papers and some supplies needed for the audit. I got lot of stuff to carry, that I can’t afford to walk far, sumakay ng jeep, sumakay ng bus, sumakay ng jeep ulit, at maglakad nang malayo. Kaya nag taxi ako. Badtrip. Kasi kung saan saan ako dinaan. Ang mahal tuloy ng binayaran ko. Buti na lang may sweldo na ko. Hehehe!

Panay ang tunog ng cellphone ko. Puro valentine greetings. Hay! Di ko nirereplyan. Like the usual naman. Tinatamad na ko kasi magtext ngayon.

It’s just like an ordinary day for me. Trabaho. Kain. Tapos trabaho ulit. Medyo kakaiba lang ngayon kasi dun sa field ko maaga nagsiuwian ang mga tao. May mga date daw kasi. Tsaka nun lunch time, nasa mall ang karamihan. Bibili dawn g bulaklak para sa mga misis nila. Ang sweet.

Habang ginagawa ko ang post na ito, nakaupo ako sa dulo ng isang long bench. Sa mall. Dito sa Rockwell. Habang ngumangata ng chocolate cookie. At habang pinagmamasdan din ang mga tao, pawang mga masasaya sila. Ang mga tinutukoy ko na sila—mga magsing irog. Magsyota. Magboypren. Magkasintahan.

Kahit noon pa man, naiisip ko na “bakit ba may Valentine’s day?”. Sabi ng isang dj sa radio, nababaduyan siya sa Valentine’s  day. Sobrang agree ako sa kanya. Siguro, dahil hassle, madaming tao sa mga romantic places gaya ng palengke. Joke lang. I mean, sa mga mall, lahat ng nakakasalubong ko (gaya ngayon), mga couple. Iba ibang uri. May isang pares na mas matangkad ang babae sa lalaki, may ibang ok lang, may ibang emo, may ibang foreigner. Basta. Iba iba. Pero isa lang ang pareho sa kanilang lahat. Lahat sila Masaya. At yung babae may hawak na roses/chocolates/balloons/teddy bear.

At ang mga radio nga, puro senti at love songs ang tugtog. Waaaah! Ewan ko ba, pero nangingiti na lang ako kanina sa fx pag naririnig ko yung mga kanta. Akmang akma talaga para sa araw na ito.

Sabi sakin ng mga empleyado na kilala ko dun sa field, Karen, wala ka bang date ngayon? Nginitian ko na lang sila. A smile, means, wala! Hehehe! Sabi ko busy kasi ako. Sa mga mata nila nababasa ko ang mga katagang.. “WUSHU! EXCUSES! NAGPAPALUSOT! WALA KA LANG KA DATE EH!”. Sa naexperience ko kasi ngayon, pag wala kang date, outcast ka. Chakka ka. Lahat na. wala naman ako nakikitang masama kung wala akong date di ba? Busy nga eh. Bakit ba kailangan ko pang magpaliwanag sa kanila?

Ang masasabi ko lang, para sa mga In a Relationship, o Married status… enjoy this day! Marahil ginawa talaga ang araw na ito para sa inyo.  Sa mga It’s Complicated naman, make up your mind! Ano ba talaga? Hehehe! Masyadong kumplikado ba… sana maayos na yan. At sa mga SINGLE na kagaya ko..MABUHAY TAYONG LAHAT! Mag overtime tayo para dagdag sweldo. Hehehe! Joke lang. siguro lang, hindi pa ngayon ang tamang oras para ibahin natin ang status natin sa friendster. Ibahin ng In a Relationship, o Married (kahit mag boyfriend pa lang). Huwag tayong malungkot kasi hindi pa talaga itinakda na malaman o mameet natin kung sino ang better half natin. Ibig sabihin lang siguro nito, hindi pa tayo handa para sa mga ganon. Mga bata pa tayo. Joke lang ulit! Siguro (ulit?), hindi pa tayo handa emotionally o spiritually para sa relasyon na ganyan. Basta, i-enjoy lang natin kung anong meron tayo ngayon—pagkain, trabaho, pag aaral, mga kaibigan, at ang aso ng kapitbahay niyo.

Mag gagabi na as of this post. Aalis na ako. May kikitain kasi ako eh.

Ingat!

50 things i’ve learned in 2007.

Nitong nagdaang 2007, na-realize ko na…

  1. Accountancy, at hindi Chemical Engineering and talagang course na para sa akin.
  2. Ang shirt size ko ay LARGE (instead of Medium) at ang blazer size ko ay medium (instead of small).
  3. Size 11, at hindi size 10 ang shoe size ko. Waaaah!
  4. Hindi na ako pwedeng bumili ng sapatos/sandals sa tiangge dahil nasisira ko agad after few uses, at dahil hanggang size 9 lang ang mga binebentang sapatos sa tiangge. Huhuhu!
  5. May mga tao talagang antipatiko(a) at walang konsiderasyon.
  6. Maganda pala talaga sa personal si Iya Villania.
  7. Hindi flawless sa personal si Marc Nelson. J
  8. Nakakasuya din pala pag araw-araw kang kumakain sa Jollibee, 3 times a day.
  9. Maarte pala talaga si Mariel Rodriguez.
  10. Masaya pala mamuhay mag-isa. Nakakalungkkot nga lang (gets?).
  11. Nakakadandruff sa akin ang SUnsilk/Creamsilk. Sa buhok ko lang ha. Ewan ko sa inyo.
  12. Hiyang ako sa Clear dahil gwapo si Rain!
  13. Nakakasawa din pala magtext at magpost sa Friendster bulletin board.
  14. Ang hirap palang kumita ng pera.  Mas masarap pa talaga ang mag-aral.
  15. Kung gugustuhin mo talagang pumayat, gagawin mo ang lahat.
  16. Mabango ang Lewis and Pearl Dew Drops cologne. Try niyo.
  17. Masakit din pala sa pakiramdam pag sinasabihan kang MATABAAAA!
  18. Ayaw talaga sa akin ng business law.
  19. Pag malutong ang perang papel, hindi ito agad ginagastos.
  20. Hindi pala madali maghanap ng trabaho.
  21. May libreng bus ride ang UNTV ch37 sa ayala. Hehehe.
  22. Ayaw ko na talagang magtrabaho sa

    Makati

    .

  23. May hidden talent pala ako sa photography.
  24. Totoo palang may basaan pag piyesta, bukod sa

    San Juan

    .

  25. Extra challenge ang bawat araw na pagsakay sa MRT South Bound sa umaga at North Bound naman sa gabi; tuwing rush hour.
  26. Mag Starbucks ka lang pag marami kang pera.
  27. Magbaon ng lunch para makatipid.
  28. Sumabay sa tatay pag uwi para makatipid.
  29. Magkuripot para makatipid.
  30. Magtipid para makatipid.
  31. Corny para sa akin ang game show na WHAMMY. Messy din.
  32. Ang jologs sumayaw ni Edu Manzano.
  33. Wala talagang kadala-dala ang mga Pinoy.
  34. Pwede ka pa din pala magkamali sa pagkanta ng Lupang Hinirang.
  35. Nakakaaliw ang TV show na Yakitate!

    Japan

    .

  36. Weird palang sabihin nang pasigaw ang MARKET! MARKET!
  37. Masakit palang mawalan ng taong napakalapit sa puso ko. Halimbawa: ninong at lola.
  38. Malayo pala talaga ang NOvaliches.
  39. Paborito ko nang mall ang Trinoma, bukod sa Gateway.
  40. Huwag basta basta ipapa-laundry ang paborito mong damit.
  41. Marami talagang CPAs na magaganda (well!).
  42. Magastos pala ang post-paid na cellphone line.
  43. Nakaka-addict pala ang Sudoku.
  44. Mas cool gamitin ang mechanical pencil kaysa Mongol.
  45. The best refreshment and Zagu Black Forest.
  46. Ang tangkad kop ala (last year ko pa ito napagtanto).
  47. Walang signal ang Sun pag gabi.
  48. Mahirap mag-UNLI pag Pasko at Bagong Taon.
  49. Life is too short.
  50. Ang sarap ng pakiramdam pag alam mong kabilang ka sa BREAKTHROUGH GENERATION. J

**Abangan ang aking susunod na listahan sa 2009.

A blessed 2008 to all! J

Isang pagbabalik tanaw: Mga Significant Events ng Buhay ko ngayong 2007

Grabe.

Yan ang masasabi kong isang salita kung kasali man ako sa isang beauty contest (sana!) at tinanong ako kung anong masasabi ko sa mga nangyari sa akin ngayong 2007.

Maraming mga kahindik hindik, kagila-gilalas at hindi kapani-paniwalang mga kaganapan ang siyang naganap sa buhay ko ngayon taong ito.

Masasabi ko din na tunay ngang napakabilis ng takbo ng panahon. Parang kahapon lang.. isa akong batang paslit na may onse pa sa ilalim ng ilong na patakbo takbo sa playground ng eskwelahan naming habang may klase (oops nadulas!)… tapos ngayon.. ngayon.. ngayon… akalain mo yun…

Samahan niyo ako.  Parang awa niyo na.  habang aking iniisa-isa ang mga nangyari sa akin ngayong 2007.

  • January – ito ang buwan na kung saan nabuhusan ako ng maduming tubig kanal habang napadaan ako sa piyesta dito sa baranggay namin. Badtrip. For more info, read my recent blog post.
  • February – nakilala ko ang isang lalaking magulong mag-isip. Hehehe. Masaya na sana, kaya lang… yun na. J
  • March – narealize ko sa puntong ito na gagradweyt na ko! Yehey! Kaya lang may mga humarang sa adhikain kong ito.. muntik nang walang pag-graduate-in sa batch naming kasi “kulang pa daw kami sa kaalaman”. Cmon! Pwede ba un .. eh mga CUTE kami… duh?!
  • April – I turned 22. tanda ko na. pero CUTE pa din (kelangan talaga lagi ipasok ang statement na yun?).  sa buwan ding ito, I cut my hair from waistline to my shoulders. Nagpa-grad pic din ako sa puntong ito. Tinodo ko na dahil pangit ang grad pick o nun prep, elementary at hayskul. Di na ko papayag na ganun pa din hanggang sa huling sandali. Nagsimula din sa buwan na ito ang huling summer class ko sa PSBA. At itong buwang din na to ako naka graduate. Dahil CUTE talaga ako (naiirita ka na ba? Gusto ko lang mang asar.).
  • May – nagsimula akong maging independent. I moved from pasigto manila to spend my next 5 months alone. Kasi nag-dorm na ako habang nagrereview for my board exam. Mahirap siya, lalo na pag badtrip yung naglalaundry.. kasi ginawang navy blue yung white portion ng blouse kong red. Nagmukha tuloy akong walking bandila. Pero ayos lang. for the sake of my country. Natuto rin ako kumain sa tabi tabi. Nung una kasi puro Jollibee at mcdo.. pero napilitan ako kumain sa turo turo nun nauubos na ang allowance ko. Hehehe. Basta. Madami ako natutunan bukod sa mga shortcuts na pwedeng gamitin sa board exam.
  • June – nagsimula akong maka attend uli ng midweek sa KKB Youth Center. Dito nagsimulang marevive ang spiritual life ko. Eto rin yung point na nagsimula kaming maging close ni tukayo. Hehehe. At this point hindi pa din ako nakakapag adjust sa independent life ko. Nagdadrama pa din ako gabi gabi kasi natatakot ako matulog mag isa.
  • July – nakapag adjust na din ako. Salamat sa nabili kong MP4 player sa recto. May games kasi. Kaya pag nalulungkot ako naglalaro na lang ako ng minesweeper (ngayon ko lang siya naintindihan kung paano laruin). Pero siyempre pag tapos na ang review or pag di ako makatulog, tsaka ko ginagawa yun. Eto rin yata ang buwan na kung saan lagging beef steak ng ERL ang ulam ko for lunch. Masarap kasi.  Umuwi na din sa heaven nito ang paborito kong ninong. At ang lola ko. Kaya medyo emotionally battered ako ng mga oras na ito.
  • August – nagawa ko sa buwan na ito ang isa sa pinaka kaadikang akto ng buhay ko –nagpagupit ako ng buhok. Shoulder length to boy cut. Adik noh? Alam ko. Kasi dapat magpapatrim lang ako nun. Eh nakita ko yung picture ng babae sa magazine na short ang buhok.. nagandahan ako.. sabi ko sa bading ganun na lang ang buhok ko.. naiyak nga siya eh.. baka daw nakatira lang daw ako ng katol.. sigurado daw ba ako? Sabi ko basta gawin na lang niya. Bahala na si Lord. Sa awa at habag ng Diyos naappreciate naman ng mga tao ang aking bagong anyo. Hehehe! Ang gwapo ko daw. Toinks. Bagsak ako sa Law preboard exam.
  • September – nagsimula akong maging seryosong seryoso sa review. Dito nagsimula din na isipin ko kung gusto ko nga ba talaga mag board exam. Ngunit dahil sa nakapag bayad na ko sa PRC ng exam fee, wala na akong choice. Sa ayaw ko’t sa ayaw, mag eexam ako. Bagsak pa din ako sa law preboard exam. At sa practical accounting 1. yari.
  • October – LET YOUR KINGDOM COME! Umalis ako agad sa law pre-week lecture ko upang umattend sa anniv ng JIL sa luneta. Board exam ko na din nito. Grabe. Nun una hindi na ako kinabahan kasi inisip ko na lang na walang itutulong iyon sa akin. Pero nun pagkatapos ng huling subject ng board exam, napaiyak ako sa hindi malamang kadahilanan.  Kinabukasan, nalaman ko na lang na NAKAPASA AKO! Salamat talaga sa Diyos!  Eto din ang buwan na nagsimula ako magtrabaho sa ortigas. At siyempre nakabalik na pala ako sa pasig, kapiling ang aking beloved family =)
  • November – isa na akong full-fledged/pledged CPA. Yehey. Ang sarap ng pakiramdam.  Dito ko nga lang naranasan kung pano pumila nang malupit sa PRC. Grabe. Wala akong masabi talaga.
  • December – thanksgiving month! Naka attend ako ng KKB Summit—BREAKTHROUGH GENERATION! Isang akto ng pasasalamat sa lahat ng pagpapala, pagsubok at kadakilaan ng Diyos sa buhay ko.

At ngayong paparating na ang 2008, alam kong marami pang dadating na pagsubok, hirap at pagod sa buhay ko. Ngunit panalangin ko sa Diyos na wag akong bigyan ng mga ito, kundi patatagin Niya ako para kayanin ang lahat ng ito.

Panalangin ko din ito para sa iyo hindi lang ngayong 2008 kundi sa mga taon pang dadating.

HAPPY NEW YEAR!

aling karen’s suggestions in promoting the KKB International Youth Summit.

*Gawing primary picture and poster pic ng summit. i copy o grab ang primary picture ko at gawin mo ding primary pic mo… tiisin munang wag iprimary picture ang cute na cute mong solo studio picture o litrato ng sarili mo na ikaw mismo ang kumuha pag nakahiga ka o kung wala kang magawa (gets?)

*panoorin muna ang Summit plug na naka embed din sa profile ko (yung may picture na GENERATION yun ang video na yun). pagkatapos, i copy past ang embed code nito at ilagay sa About Me/Who I Want To Meet Section ng profile o website mo.

*gawin ding AVATAR ang poster pic sa mga instant messenger (e.g., Yahoo, MSN, etc). maganda siyang tignan promise!

*OPLAN BULLETIN KADA ARAW PARA SA SUMMIT. kasabay ng mga sinasagutang surveys at paglalabas ng saloobin sa bulletin… why not magpost din ng announcement ng summit at ang mga detalye nito? isang bulletin lang naman.. isakripisyo muna ang isang survey ha? :)

*BRIGADA SA TEXT. sample msg: Ei! WaZzup? Nvyt KIta Sa KKb YoUTh SUmMit sa Dec. 27-28 @ d ARENA, Sn.Juan. 150.00 lAng Ang Reg fi! txbaCK fOr MORe Info. mWAhugz! MUZtAh poH???? (note: nahirapan akong itype to ah! basta ipromote ang summit sa text. sulitin ang kaUNLIhan ok? yun na!)

*mag group message sa mga IM tungkol sa summit. ok na din ang youtube link ng summit plug. :)

*pag mag sspecial number ang KKB sa church niyo, huwag kalimutang mag flash ng poster pic sa LCD (kung meron man). kung wala man… i acetate na lang (pwede ba yun?). o kung wala nga talaga.. magsalita muna at ipromote ang summit bago kumanta, sumayaw, umarte o mag mime.

*bumisita lagi sa KKB FORUM. ang forum ng mga kyut, kul, at masayang mga KKB CYN sa balat ng cyber space. www.kkbmovement.org/forum/php (ang kkbmovement.org po ay under construction pa.). upang maging in the loop sa updates ng summit :D

*Promotion with a Personal Touch is astig din. personal na imbitahan ang mga kakilala at kaibigan sa summit. ok? diskartehan niyo na lang. The Lord is with you naman. basta pray muna. :)

*at kung kayang magsponsor ng mga delegado sa summit.. why not? (Sino magssponsor sa kin? taas ang kamay!) hehehe.

mag iisip pa ako ng mga strategy. kung may suggestions, PM niyo ko. para sa susunod na episode ilalagay natin. (note uli: the best suggestion will win a SURPRISE prize. libreng interview at exposure na ipapalabas sa TV namin.)

BREAKTHROUGH GENERATION!

Confessions of a Bagito in the Corporate World.

OCtober 30, 2007.
26F PSE Bldg., ORtigas
ilang minuto matapos mag coffee break.

First day ko ngayon sa opisina. hindi ako makapaniwalang may trabaho na ako. hindi ko alam kung matutuwa ako dahil hindi ako kabilang sa mga UN- at UNDER- employed sa ngayon… o maiinis dahil walong araw lang matapos ilabas ng PRC ang CPA results, hindi ko man lamang nalasap ang pakiramdam ng makapag-pahinga.  Pagkatapos ng board exam, trabaho agad.  NA-excite lang ako siguro dahil ni OJT sa school ay hindi ko naranasan.  NA-pressure din marahil.. sa kadahilanang ako na lang sa pamilya ang hindi pa nakakaranas ng feeling ng sumusweldo.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.  Na-realize ko din na ganito pala ang feeling ng tumatanda. waaah! aminin ko man o hindi, kailangan na talagang mag grow up! tapos na talaga ang maliligayang araw ko sa kolehiyo (nakakamiss mag aral pramis!).  Nalagpasan ko na din ang isa sa pinaka kahindik hindik na pagsusulit ng PRC BOA, sa tulong ni God :). BAgong career ang naghihintay sa akin.  Panibagong mga tao ang makaksalamuha ko (so far sa office mababait naman ang mga tao, taliwas sa mga tsismis na ang mga tao sa audit firm ay masusungit.) Panibago ding mga pagsubok ang kakaharapin ko. Kapalit ng lahat ng ito ay ang mga sumusunod:  Starbucks/Seattle’s BEst/NEscafe 3-in-1, mga gwapong guys in long sleeves and necktie na pakalat kalat sa tektite (joke!), at ang pinakaminimithi kong sweldo (hindi naman ako mukhang sweldo..experience talaga ang gusto ko..).  At higit sa lahat, ang bawat leksyon sa buhay na hindi pa naituro sa akin simula sa kinder hanggang sa college– mga pointers na dapat isabuhay ng isang matinong CPA.

Ang dating KAREN SANTIAGO–iyakin, pikon, masungit at medyo pasaway–ay magiging pasensiyosa, mapagbigay pa lalo, matiyaga, at medyo pikon na lang =).  Sa pagtahak ko sa panibang landas ng buhay, bilang isang matured professional.. TODO NA TO! (audience: wehhh, pauso!)

O siya, back to work na ako.

ang mga gamit ng BULLETIN BOARD. base sa aking OBSERBASYON.

ika nga ng friendster…

"Use the Bulletin Board to post messages (such as questions, party invites, event information, romance issues, etc.) to all of your friends."

ngunit sa iba… may iba pang gamit ang bulletin board.

ating isa-isahin.

**Answer sheet ng mga mahihilig sa survey. hindi ko malaman kung paano nauso ang ganitong bagay. maraming katanungan ang pwedeng masagot dito. mula sa kung anong kulay ng buhok mo hanggang sa kung sinong pinaka ayaw mong barangay tanod sa inyo. everything na katanungan under the sun.. nandito!

**inbox ng bayan. kung hindi mo feel gamitin ang private messaging system ng friendster at may gusto kang ipadalang mensahe sa isang kaibigan sa iyong friendster list (e.g., to Mr. SO and So,… Msg: MALIGO KA NAMAN! HAHAHA!), at kung gusto mong mabasa din ng buong bayan ang mensaheng iyon… ilagay lang sa bulletin board at voila! alam na ng buong list mo na si Mr. SO and So ay hindi pala naliligo. tsk!

**boxing ring ng mga nagbabangayan at gustong magpalitan ng maaanghang na salita o yung mga nagpaparinigan. minsan masayang magbasa ng bulletin board pag may ganitong mensahe.. "HOy bruja huwag mong agawin ang boyfriend ko. ahas ka! akin lang siya. at ang iyo ay akin pa din!" tapos sa dulo may nakalagay pang "you know who you are." tapos kinabukasan (applicable kapag ang dalawang magkaaway ay parehong nasa list mo. if that’s the case, the merrier! hehehe) may mababasa ka mula sa isa pang tao.. "hoy ka din! hindi ko inagaw ang boyfriend mo. ANG LAKAS MO KASING KUMAIN kaya iniwan ka nya.. lugi sha sa yo pag nagdedate kayo! buti pa ako baterya lang ang kinakain ko. yung pang calculator ha. mas mura yun noh! at hindi ako ahas. BULATE LANG AKO!" at sa dulo may karugtong pang "YOU KNOW WHO YOU ARE DIN." kung ganito ang scenario alam mo na kung sino ang magkaaway! at ang pede mo lang gawin ay makisali sa away o pagbatiin sila.

**domain ng lahat ng sumpa na pwede mong maisip…gaya ng "repost this after 3 seconds or you will become a makahiya!" sa totoo lang naaaliw ako sa mga ganitong post… wala pa naman akong nirepost na ganitong uri at sa awa ng Diyos ay wala pa namang nangyayari sa akin.

**personal public diary. sounds ironic dba? kaya nga diary kasi private.. pero pag gusto mong isambulat sa buong friendster world ang latest chismis tungkol sa yo, gaya ng "nagkasipon ang ibon ng kapatid ng kapitbahay niyo.." ilagay lang sa bulletin board! (note: guilty ako dito. hehehe! pero hindi naman lahat ng nangyayari sa kin pinopost ko noh! *explain mode*)

**wala na akong maisip. kung ano pa man ang mga gamit ng bulletin board sa iyo na hindi ko nabanggit dito… mahusay! hehehe.. ipagpatuloy mo lang yan. at bakit ko to naipost? wala lang! bakit ba…

God bless! :D

isang anekdota tungkol sa isang taong itatago natin sa pangalang…

7.10 ng umaga.

late na ako para sa law review class ko.

pero dahil hindi ako nag hapunan kahapon sobrang gutom ako.

kaysa naman pumasok ako ng gutom. malamang niyan hindi ko maabsorb ang mga pointers sa law. eh doon pa naman ako bagsak nun preboard examination. kaya kelangan seryosohin ang law.

isang beses na lang ako sa isang araw kung kumain ng kanin at ulam dahil sa: (1) mataba na ako at gusto kong maibalik ang mala-modelo kong pangangatawan (nyak!); at (2) nagtitipid ako dahil sa isang kadahilalang hindi ko maaaring isambulat dito. tsaka ko na lang ipapaliwanag.

napadaan ako sa mcdo. "hmmm. may libreng dyaryo pala dito sa mcdo. dito na lang ako kakain."

"hi mam magandang umaga… welcome to mcdonald’s!" and masayang bungad sa akin ng crew na nasa counter.

dahil nagmamadali na nga ako, dumiretso na ako sa counter upang umorder. "isang longganisa meal at orange juice."

"70.00 po mam."

kaya dumukot ako ng isang bente at isang singkwenta sa aking wallet. 270 na lang ang allowance ko hanggang bukas. kaya habang binabayad ko iyon iniisip ko na hindi na ako kakain ng lunch at meryenda mamaya. kung kakain man ako ng hapunan yung budget meal na lang. sa 20.00 may kanin at ulam ka na…

habang iniisip ko ang mga ito ay binigyan ako ng kahera ng 130.00.

hala.

kamusta naman. may sukli pa! sabi ko sa sarili ko.

ang sampung segundong katahimikan at pag iisip kong iyon ay naging buong magdamag sa akin.

kung isosoli ko ang 170.00, sayang naman. eh di sana hindi na ako hihingi ng allowance hanggang linggo. at least nakagaan kay mom and dad. o kaya naman pwede kong ipambili ng hapunan mamaya.

kung hindi ko naman iyon isosoli, mapupuruhan naman ang kahera dahil magkakaroon ng discrepancy sa ibinigay ko at sa isinukli nya. kawawa naman siya kung hindi ko isosoli at sa kanya pababayaran ang nagkulang na pera.

sa sampung segundong iyon, ginawa ko ang idinidikta ng aking konsensya.

"ah, miss, 70.00 lang po ang ibinigay ko. wala na akong sukli."

"eh mam 200.00 po yung ibinigay niyo…"

mahaderang kahera to ah! napatawa ako sa isip ko lang. mas marunong pa sa akin.

"hindi miss, 70.00 lang ang binigay ko…"

tinignan niya uli ang cash register at yun, napagtanto niya na tama ang sinasabi ko.

nakita ko ang bakas ng tuwa sa kanya. marahil kasi pag nagkataon, makakaltas sa sweldo niya ang 170.00 na pilit pa nyang sinusukli sa akin.

"miss pahinging dalawang catsup..", ang sinabi ko pagkatapos.

pagkabigay niya sa akin ng aking hinihingi, nakangiti siyang nagpasalamat sa akin. nakadama ako ng tuwa sa sarili ko dahil alam kong ginawa ko ang tama. sa ganoong paraan may napasaya akong isang tao.

minsan sa buhay natin, may mga bagay tayong ginagawa na alam nating mali. pagdating sa mga ganitong simpleng sitwasyon masusubukan natin ang karakter natin. marahil walang nakakaalam sa mga ginagawa nating kabuktutan ngunit bukod sa sarili natin, may isa pang nakakaalam ng mga ito. at alam mo na kung sino yun.

note: ang bida sa istorya na to ay ayaw maglantad ng kanyang katauhan dail shy-type siya.

nagtataka lang.

kumusta naman.

ako po ay nagbabalik upang maglabas ng sentimyento ng buhay buhay.

***

nagtataka lang ako ha. bakit ganun. pag magkakape tayo, gusto natin yung mainit. tapos pag iinumin na, hinihipan natin para lumamig.

bakit pag rush hour, matraffic? (maganda ang rush hour 3 ha. yun lang naman gusto kong sabihin talaga.)

pag reviewee ka ba, magkano dapat ibayad mo sa jeep? 6.00 o 7.00?

balita ko daw kalbo na ang baywalk. bakit daw? hindi ko kasi alam dahil walang tv sa dorm.

nauubusan na ba ng ideya ang mga creative artists ngayon? kasi napansin ko lahat ng pwedeng i revive, ni rerevive. pati ang nananahimik na marimar pinatos pa.

bakit ganun? holiday man o hindi, mahirap bumiyahe? pag holiday, naghihintay mapuno ang jeep ng mga isang oras. yun tipong mas maganda na lang na maglakad ka mula legarda hanggang espanya.. mas makakarating ka agad sa sakayan ng fx papuntang sm north. tapos pag hindi naman holiday, sobrang hirap naman sumakay, puno na kasi lahat ng fx. tapos yung jeep papuntang espanya nagpupuno pa din ng mga isang oras.

mas maganda yata kung tayong mga pasaherong nag aabang ng sasakyan ang maghawak ng sarili nating signboard para titigilan na lang tau ng fx o jeep (e.g., pag papunta kang recto galing pasig, hawak ka ng signboard ng QUIAPO).

bakit may mga taong pinapara ang fx kahit wala naman itong signboard? (diba jade? peace!)

at bakit may mga PUVs na tumitigil sa harap ng isang taong nakatayo lang naman sa sidewalk? hindi naman sila pinapara.

bakit kapag kulay kahel (orange) na ang stoplight eh lalong bumibilis ang takbo ng mga sasakyan sa kalsada?

bakit kapag mainit eh sana malamig na lang at pag malamig naman eh sana mainit na lang?

bakit may mga taong mahilig sa picture (gaya ko sabi nila)? para ba may mailagay sa friendster?

bakit madaming adik sa satarbucks? yung tipong kahit naubos na ang frappe nila eh dadalin pa din ang walang lamang basong disposable at hahawakan lang ito sa MRT? para ba ito sa kaalaman ng buong sambayanang pilipino na… HOY NAG STARBUCKS AKO! ANO KA HA…

bakit mura ang cheesecake sa red ribbon?

bakit pag nasa coffee shop may mga taong mahilig mangarir at mag take out ng tissue, stirrer, creamer at sugar? wala ba silang stock sa bahay nila? wala siguro kaya ganun.

bakit laging bumabaha ng libreng donuts sa KRISPY KREME? grabe napakasaya naman ng una nilang customer sa greenhills. one year supply ng donut. napakahusay. siguro after one year mukha ng donut yung taong yun.

bakit masarap matulog pag umuulan?

bakit masyadong maraming kurakot na tao dito sa pilipinas?

sa ngayon yan ang mga gumugulo sa utak ko. may sense ba?

***

ang susunod na kabanata.

kailangang may matapos para may masimulan.

certified graduate na ako.
natapos din ang delubyong idinulot ng summer class ko.
akala ko di ko na masisilayan ang araw matapos ang may 26.
pero… eto ako ngayon. buhay pa. survivor uli. hanggang sa huling yugto ng accountacy course ko.
kung tutuusin, di ko lubos maisip na matatapos ko ang paglalakbay sa kolehiyo.
parang noon lang, pag nakahiga ako, iniisip ko kung ano kaya ang hitsura ko pagkatapos ko sa college..
at heto na ko ngayon. nagaganap na ang minsa’y panaginip ko lang.
matapos ang bawat luha dala ng lungkot.. ang laway na tumatalsik sa kakatawa.. ang pawis na bunga ng pagsisipag sa pag aaral.. ang bawat hibla ng kilay na nasunog dahil sa tyaga sa pagrereview.. at ang bawat bulsa at wallet nila mom and dad na nabutas dahil sa mga gastusin..
eto na! Graduate na ang lola niyo!
yehey.
pero siyempre, di pa dyan matatapos ang kaligayahan ko..
dahil isa pang matinding paglalakbay pa ang gagawin ko..
5 beses sa isang linggo ako magpapanik panaog sa 5th floor ng CMFFI building..
sa ReSA. Review School of Accountancy.
Dahil.. magrereview na ako para sa kinatatakutang CPA Licensure Exam!
pero ang totoo niyan, hindi ako dapat matakot sa exam na ito. ang exam na yan ang dapat matakot sa kin! tseh!
HIndi lang ito ang isa sa mga landas na tatahakin ko sa ngayon…
may isa pa.
at yun ay ang mamuhay mag isa sa bandang gastambide. malayo sa aking pamilya at sa aking pinakamamahal na kwartong asul.
pag naiisip ko na sa loob ng limang buwan ay mag isa lang akong kakain, matutulog sa isang room for rent, nalulungkot na ako.
hindi ko yata kaya yun. pero tignan natin. iuupdate ko kayo pag kinaya ko o hindi.
Kaya lang naman ako napilitang magboarding house kasi para hindi masayang ang oras na binibyahe ko araw araw ng pasig recto..
ang tatlong oras na binibyahe ko lagi ay pwedeng ilaan na lang sa pag aaral ko diba?
kaya yun ang nagtulak sa akin para ituloy ang pakikipagsapalaran ko sa maynila.
sa ngayon, nakaimpake na lahat ng gamit at libro ko.. pero hindi ako makatulog.
dahil iniisip ko kung ano ang mangyayari sa akin sa pagsuong ko sa panibagong yugto ng buhay kong ito..
alam ko kasing may malaking idudulot na pagbabago ito sa akin bilang isang indibidwal.
at eto pa pala.. twice a week na lang pala ako makakapag internet! hayy! kaya mamimiss ko ang mga online friends ko..
sana kahit lagi na akong offline sa YM, friendster at KKB forum wag niyo kong kalimutang itext para hindi naman ako malungkot..
sa totoo lang, kanina habang papasok ako sa school, nasa fx ako, katext ko si mommy. sabi ko sa kanya na lilipat na ako bukas.
sabi niya mamimiss niya ko. ewan ko ba bigla akong napaluha nun. corny nuh. pero kasi mamimiss ko si mommy..
kahit madalas nasesermunan ako.
hindi ko man alam kung anong mangyayari sa akin sa maynila.. isa lang ang bagay na sigurado ko.
pagbalik ko dito sa pasig.. CPA na ko! by faith! hayyy…
comment kayo.

pagkatapos ng tag-araw ay tag-ulan (inspired by master obet)

mayo 1. 12.57AM. may isang adik na hindi makatulog. dala ng sobrang init, na may halong kalat-kalat na ulan na nagpakalat ng mainit na singaw sa atmospera.

*******

TOKWAAAAAA~~~!!!!

bakit ganito kainit… tatlong beses na ko naligo ay nanlalagkit pa din ako.

kumusta na kayong lahat! eto na naman at nagbabalik ang maganda niyong lingkod, nainspire kasi ako kay kuya obet na gumawa ng post. kaya eto na yun!

*******

ACKNOWLEDGMENT <tama ba spelling?>

nais ko po magpasalamat sa lahat ng nakaalalang bumati sa akin nung birthday ko. nais ko din pasalamatan ang lahat din ng mga well-wishers nun graduation ko. special mention kay/kina/sa (pls underline whatever is applicable):

~~sa mga kasama ko sa PSBA SSC–myk,jk,raf,arvin,allin,jopai,rj,aris..lalo na sa mga kabatch ko na sina vani, mark at mich.. kahit di tau close lhat eh ayos na din, salamat sa inyo :) isama ko na din sina ben at jonathan..

~~USBC–org ko to! specially kina cyndie, amie, karen, benzon, gretz, kriz, alan.. thank God for your lives. sana next SY mas maging active pa tayo, at sana maging champion uli sa intrams! hehehe! galing galing.. balitaan niyo ko ha..

~~JFES–ang aking acad. org :) sa mga officers, specially kay gen at rhem.. tamang tawa tayo lagi! kaya yoko kayo kasama umiiral pagkabaliw ko!

~~sa mga naging kaklase ko sa PSBA sa lahat ng subjcts..specially sa accounting. heheheh! specially sa tropa nila lena. nyaaah! mga katandem sa kodakan! sobra! pati pala si kuya eli. aka kuya dick. peace po hehehe! pati na din sa mga jpian classmates ko.. napakabait nila sa akin. :)

~~sa mga naging prof ko po sa lahat ng subjects specially sa acctg uli! specially uli kay sir ong, mam de jesus, mam filamor and mam espiritu. grabe dabest po kayong apat. :)

~~sa mga naging classmates ko sa USTe–BMID (voteout specially) at 3A5 (ralfi, cherry, kaye, eda, reina, ester, allan) mga tunay kayong kaibigan! miss ko na kayo. kelan ba tayo magkikita uli? keep in touch na lang.

~~sa mga naging prof ko sa USTe, lalo na kay sir warren, sir roda. dabest po kayo. pati na din kay mam empleo, sir valguna at mam cruz. dabest din po kayo. MAMBAGSAK. tseh!ahahahaha….

~~sa KKB UST po (brenan, ate kathie, kuya bam, ate jane, kuya dex, jade, lnard, ate jomel, ate mean) kasi kahit kalahati lang ng college life ko ang inilagi ko sa UST eh naging meaningful naman po ito dahil sa inyo :)

~~sa KKB recto po..kina heidz, lovely, andet, kuya albert.. kahit 2x lan ako nagparamdam sa gathering, pasencia na po talaga…

~~sa KKB Cyberministry team–ate cora, jade, kuya obet… hay kelan ba tau magkikita uli? :)

~~ang KKB online barkada! mga milan girls, mareng riyo, doray, ray, rhobs, CK, aai, basta lahat na! salamat sa mga bati ninyo at nakakaalala pa din pala kayo. waaaaaaaaa.

~~ang KKB pasig shemferds! maraming salamat kasi kahit mejo nawala ako sa sirkulasyon ay hindi pa dn kayo nakakalimot na kumustahin ako. nakakahiya tuloy. huhuhu.

~~mothball girls–ate neth, ate etchie, ate pepz, ate ode, ate nanie–my pretty ate’s sa kkb! sobrang blessed po ako kasi kahit busy kayo eh njan pa din kayo para sa akin :) i love you all po…

~~rugby boys–ninong, kuya tata, kuya franz, kuya neds, kuya son, kuya noel… :) ang gugwapo niyo talaga. la ko masabi.

~~sa KKB bataan - sa orani po ha. hehehe. salamat sa warm friendship. nanginginig pa!

~~sa mga special friendships..

  “bes - kahit busy ka eh ok lang, para yumaman ka na at mailibre mo na ko! pambihira! :) miss na miss na kita huhuw! :D

  “best - at last after centuries nag usap din tau! :)

  “paul garilao - sa mga words of encouragement nung tag thesis ko :) naks engineer ka na! congratz! :D

  “CK - sa wlang humpay na pangungulit sa mundo ng SUN. sana lang hindi topak ang signal para tuloy tuloy ang saya diba! nyahahah!

  “pardz - makulay ang lavlayf nito ngaun kaya congrats na lang! peace! see you somewhere out there.. ahehhe…

  “ate jack - sa special na graduation note–may background pa talaga natin ha.. touched na talaga ako.. sobra. waaaaa…luvyah te.

  “mareng riyo - isa pa to sa makukulay ang lavlayf. :) miss you so much na talaga DOKTORA. :) see you sa gateway. hehehe!

  “emer - salamat sa graduation gift. :) iingatan ko yun. thanks talaga.

  “tagteam ILAR - mula pa lang acctg5 magkasama na tayo.. salamat sa company ha! ayus ka talaga. :) nagsisi talaga ako at kinamuhian kita nun. hahaha!

~~kay kuya rommel - o byaw, ingatan mo si ate ha. otherwise… toot. hehehehe!!! thanks po sa pagsama nun grad ko ha :)

~~kay ate kariz. mahal na mahal kita ate. sungit! ahahaha… one of a kind ka talaga.

~~karmi. payat ka na! maabutan mo na ko! antaba ko na! waaaaaahu!

~~kay mommy. sa bonding moments po natin. sa usapang kakikayan at kaartehan. sa lahat po :) i love you po.

~~kay daddy. sa libro, tuition, baon, libre, lahat na. youre the best dad evah! :)

~~sa KADA ORG! aka JOK JOK SHAMAX - jen, olga, kat, james, ode, shen, honey, alex, emong, xy–PSBA have been never the same nun nakilala ko kayo. well! ganyan talaga… mga future CPAs! :) sayang lang ala kaung lahat nun rites. i love you all!

and most specially to OUR LORD GOD ALMIGHTY! im blessed and thankful dahil nakilala ko Siya as my Lord and Savior. all glory to YOU alone :)

o sha… hindi na ko naeLBM. makakatulog na ko.