Balik Tanaw: Karen’s 2008 Year-end Blogpost Special
Oh diba, bonggang bongga ang title? parang special-that’s-entertainment-episode-na-may-konting-touch-of-ABSCBN-current-affairs-special-episode lang noh?
Introduction:
Habang ako’y kumakain ng one-day old na beef steak na luto ni mommy, naisip ko na pagkatapos kumain, ilalahad ko na dito ang mga pangyayaring naganap sa akin sa taong 2008.
Body:
> January - muling sumariwa sa isip ko ang pambubuhos sa akin ng tubig-imburnal sa piyesta nung 2007. at siyempre, piyesta sa baranggay namin nung buwan na ito. kaya sumabay ako sa tatay ko papasok para kahit buhusan nila ako ng kung anuman, nasa kotse na ko na may salamin. buti na lang hindi binuksan ang bintana. Eto din ang start ng first audit season ko sa USA and co.
> February - Valentine’s month. na-assign ako sa rockwell para mag audit. masaya, kasi masarap ang kape, mabait ang accountant, maayos ang records, at maganda sa powerplant mall. nagsimula na din ako maging active sa multiply. sa month na din ito ako naboljak ni Bro. Eddie. super unforgettable experience. ito din ang pinakamasayang youth rage na naattendan ko. etong month ko din huling nakita ang crush ko. ![]()
> March - Kung sa Rockwell, maganda ang naging experience ko, pagdating ng March, naging kabaligtaran sa sumunod kong client. Ang pangalan? Itago natin sa pangalang… HARDWORK. Second time ko din umakyat nito sa baguio, this time with the whole family, featuring kuya romel yumang.
> April - Birthday month! Nasa HARDWORK pa din ako nagaaudit. tapos na sa month na to ang audit season. and this is my first time na mag out of town with my office mates! sa puerto galera. dito ko din nakuha ang tan lines sa likod ko na up to this writing eh hindi pa din natatanggal. One of my happiest birthdays happened. kahit natoxic sa work. read my birthday blogpost for more info. Naregular na din ako sa work ![]()
> May - nakaattend ako ng KKB Leadership Camp sa Caliraya. Super blessing and privilege sa kin ang makasama don.
and afterwards, my first work out of town happened– Quezon. dito ako talaga nagsimulang mag gain ng weight. nakakita ako ng maraming artista dito gaya ni ronnie ricketts, dinky doo (kilala niyo), at bayani fernando. hehehe! nakaattend ako sa JIL Lucena. na-launch ang bonggang bonggang www.KKBmovement.org.
> June - nakabalik na ko sa manila from quezon. sa buwan na ito narealize ko na mataba na ko talaga kasi di na magkasya mga damit ko sa kin.
> July - nakilala ko ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko :). nag-fly ako papuntang davao–2nd out of town work ko, and at the same time, first internal audit client ko and first time ko sa san miguel group audit. madami akong napuntahan, madaming pagkain, pero madami ding pressures. pero na-carry naman. nakaattend din ako sa JIL Davao City.
> August - umuwi na ko sa manila from davao. binigyan kami ng salary increase. sa san miguel northwest area naman ako naassign. nagreunion kaming mga magkabarkada sa college.
> September - nothing significant happened. hahaha. wala na ako maisip.
> October - 30 years na ng JIL! nung una ang sabi ko pa, tatlumpung dekada. mali pa. tatlong dekada lang pala. ito para sa kin yung pinakamagandang anniv ng JIL na napuntahan ko. sa sanmiguel central region naman ako naassign mag audit. appreciation night din sa shangrila hotel. ang gaganda namin! one of my biggest disappointments happened. pero nakabreakthrough na ako don.
> November - totally, nakamove on na ako. by God’s help and grace.nasa canada si karmi. nakilala ko sa month na ito ang isa sa mga pinakasensible na tao na nakilala ko. gusto ko siyang mameet this year (2009). at sa buwan na ito natagpuan ko na sa wakas ang kapatid ko sa kuko.
> December - my favorite month this year. siyempre bukod sa birthday ko. binili ako ng kapatid ko ng ipod touch. hahaha! kaya hindi ko na siya inaaway ngayon. dito din ako nagsimulang maaddict sa chocolates. at siyempre–YOUTH SUMMIT! madami akong nakilalang cool na tao. nasa ospital si lolo. hanggang ngayon. nasaktan ko yung isang taong mahalaga sa akin. pero buti na lang mahaba pasensiya niya sa akin at ok na kami. nakasama ko na din sa wakas ang kapatid ko sa kuko! pero miss ko na siya ngayon. nanood ako ng movie ni ai ai. favorite ko na ngayon si eugene domingo. ni-relaunch ang mas bonggang bonggang www.KKBmovement.org. Third time ko na makapunta ng baguio–this time with my officemates.
Conclusion
indeed 2008 is a year of overflow–of blessings, of struggles, of pressures. but God’s grace and mercy overflowed more. this 2009, let’s expect an open heaven of His love and goodness.
uulitin ko ito sa january 2010. ![]()

Leave a Reply