header image
 

paano nga ba ang paglimot?

intro:  ang inyong mababasa ay ang aking sagot sa tanong na ito…

wuy!.. masyadong mdrama 2.. hehe,, pero..
nais ko lng sna malaman ang mga paraan nyo sa paglimot sa isang tao na minsan naging parte ng buhay mo..tagalog lang po tayo ha.. para mas ramdam,db?

 

wag pong pasaway!TAGALOG po tayo!

isa itong post sa forum ng KKBmovement.org …

at ito naman ang aking sinagot.

paano makalimot? ganito. hinga ka ng malalim. tapos iumpog mo ulo mo sa dingding nang bonggang bongga, sigurado, malilimutan mo yan, pati pangalan mo malilimutan mo.ang naturang suhesityon ay pawang biro lamang. huwag itong gagawin sa bahay o sa kung saan man. delikado.

sige, seryoso na tayo.

hango sa aking karanasan, makakatulong ang mga sumusnod sa paglimot sa isang kahindik hindik, kagila gilalas at napakasakit na karanasan sa… saan nga ba? (tumingin sa mga naunang mensahe upang tignan kung anong pinag uusapan dito)…

ah ayon pala. basahin niyo na lang yung unang unang mensahe para sa paksa.

- kumain nang madami. makakatulong ito kasi iisipin mo kung paano mo babawasan ang karagdagang timbang (kalori>>> eh bakit ba hindi ko alam yung tagalog eh!) na maiidulot ng mga kinain mo. sa totoo lang, nakatulong sa akin ito. napagtanto ko na, ang sarap palang kumain!

- makipag kaibigan sa mga hindi mo pa kaibigan. magandang gawin iyan dito sa forum. paano? i-add mo ang lahat ng (ano bang tagalog ng online) at presto! pag tinanggap nila ang iyong hiling (ang pangit ng tagalog!), magpasalamat ka sa kanila. pag inayawan naman, pabayaan mo na lang.

- isubsob ang sarili sa pag aaral o trabaho. panalo ang paraang ito! may mataas na marka/swledo ka na, nakalimot ka pa!

- mamasyal sa mga lugar na pwedeng pasyalan. halimbawa, sa SM (kahit anong sangay), sa parke, at kung saan saan pa. mas masaya kung may bitbit kang aso o kahit anong alagang hayop na pwedeng makaintindi sa iyo. kung wala man, istaptoy na lang. basta huwag mo lang silang kakausapin sa harap ng publiko.

- ngiti lang. gaganda/guguwapo ka niyan lalo. baka madami pang matuwa pag nakita kang nakangiti. basta huwag lang ngiting pang asar ha. at huwag din itong gagawin nang biglaan at mag isa sa harap ng publiko.

- ibaling ang antensiyon sa Panginoon. Siya lang, kung hindi lahat, kasi ang makakaintindi sa pasakit na nararamdaman mo. mas kailangan mong ibaling sa Kaniya ang atensiyon mo.

* sana kahit paano ay napangiti kita sa pagbasa nito. huwag ka nang malungkot, mahal ka non. acheche. ulit ulit….

* sana kahit paano ay napangiti kita sa pagbasa nito. huwag ka nang malungkot, marami pang dahilan sa mundong ito para sumaya.

 

~ by karensantiago on November 12, 2008.

4 Responses to “paano nga ba ang paglimot?”

  1. thanks ate karen for this blog,
    it really made me smile.. ^_^
    tama ka po, hindi po dapat malungkot kasi marami pong reasons para maging masaya ^_^

    thanks ate karen,
    keep safe po!

  2. nakakatuwa po mga posts mo, ate Karen.
    very inspiring! :) pwede mo na po palitan si bob ong. wahehe. :D
    continue to write and blog.
    hindi ka lang po CPA ngayon, writer pa. he he. :))

    Goodluck on your endeavors.
    Godblessü

  3. hahaha… eto sagot ko….

    http://daydream.blog.friendster.com/2008/11/sagot-sa-post-ni-karen-na-%e2%80%9cpaano-nga-ba-ang-paglimot%e2%80%9d/

    peace!

  4. hahahaha! ayos ayos! =)

Leave a Reply