header image
 

blogpost birthday special edition (palakpakan!!!)

*******

april 1.

ilang oras na lang nito, april 2 na.

di ba may point naman ako?

kakatapos ko lang mag overtime nito sa isang kliyente sa quezon city.

sinundo ako ng daddy ko at dumiretso kami sa church… ngunit bago yon, dumaan kami sa mcdo sa ortigas. gutom na kasi ako. bumili ako ng french fries na large. eight o cloch. at big mac para sa daddy ko. papunta kami ng church habang ngumangata ako ng fries. masarap.

kakatapos lang ng prayer meeting nun dumating kami ng church. nagsasalita si pastor boyet sa harap. birthday din kasi ni pastor danny. after the word, with pastor danny and jefferson, pinatayo kami sa harap. pinagpray kami. ako ang una.

"Lord, use this lady as your mouthpiece. Make her bold enough to share Your gospel."

i started to speak in different language. i cried. i thanked God for His undying love and grace.

kailangan ko na talagang tapusin ang JIL 12 training ko. please.

*******

nasa sasakyan na kami.

attendance:

mommy.

daddy.

ate.

bf ni ate (siya ang driver).

karmi

tita
ako

mga leaders ng JIL Pasig.

papunta kaming eastwood.

*******

Nasa eastwood na kami.

dun kami pumunta sa isang kainan na nagooffer ng eat all you can na breakfast from 12mn - 10am.

pero 11:45pm pa lang.

badtrip.

*******

ilang sandali pa, 12mn na.

april 2.

23 na ako.

nagpunta na kami sa kainang yun. medyo isa kami sa mga unang pumunta dahil saktong alas dose talaga kami pumasok.

table for 18 ang kinuha namin, kasi 18 naman kami.

ilang minuto ang lumipas, madami nang tao.

tsk, kalat na pala sa kalakhang maynila ang balita na mura ang eat all you can dun.

ang kinain ko lang: munting servings ng chinese rice, tocino, longanisa, hotdog, scrambled eggs, pansit malabon, at lumpiang shanghai.

wala kasi akong ganang kumain. dala na siguro ng pagod at antok.

ngunit mas pinili kong magpakasaya kasi otherwise hindi na ako pwede sabihan ng HAPPY BIRTHDAY.

matapos ang kodakan, tawanan at joke time, umuwi na kami.

alas dos na ng umaga. alas otso y media ang pasok ko.

at alas tres na ako natulog.

*******

unang bumati sa akin si pareng MG. ang lalaking nung una, tinatarayan ako. kainis. pero after 100 years narealize ko hindi naman pa siya masungit.

*******

alas sais ng umaga ako nagising. isa itong himala. marahil sa kadahilanang hindi ako nakatulog sa excitement, o dahil natatakot akong hindi magising ng maaga para sa trabaho. malabo diba? nalabuan kasi ako eh.

buti na lang walang pasok si daddy. sa bulacan sha nagwowork. walang pasok sa bulacan pag april 2 dahil birthday ng mentor kong si FRANSISCO BALAGTAS. sosyal diba? kaya naman hinatid ako ni daddy papuntang araneta avenue, sa lungsod quezon. tipid na naman sa pamasahe. yehey!

"karen, anong araw ngayon?

wednesday po.

"diba tuesday ngayon?"

miyerkules nga po….

"hala, coding tong sasakyan natin…"

yari!

kaya ang nangyari, nag drive thru muna kami sa mcdo at bumili ng agahan (part2) at kape para magising ako sa pagkaka antok. matapos nito, hinatid ako sa LRT station ng anonas, tapos iniwanan na ko ng daddy ko. ayos lang naman, naintindihan ko.

nag LRT ako. ayos. tapos jeep. tapos jeep uli.

nun nasa jeep ako, katapat kong nakaupo ang isang mag ina. kalong ng nanay ang anak niya, na masayang kumakain ng puto. ang cute niyang kumain. naalala ko tuloy nung kabataan ko. toinks! pero seriously natutuwa akong panoorin siya (habang nakatingin din sakin ang nanay nya, akala niya kasi aagawin ko yung kinakain ng anak niya), kasi parang kuntento na siya sa puto. makakain lang siya nun, masaya na siya. solb. ang babaw dba? pero tignan mo, pag tumanda yan, paastig nang paastig ang gugustuhin niyan upang makuntento. gusto na nya siguro yung harina na yung nilalapang niya. adik eh noh. seriously uli, ganun talaga siguro pag tumatanda. lumalalim ang kagustuhan sa buhay. nagiging kumplikado ang buhay. pero siguro uli, depende sa tao kung paano niya imamanage ang kumplikasyon na iyon. habang iniisip ko ito, hindi ko alam na lagpas na ako sa pupuntahan ko. badtrip.

inulan ako ng mga pagbati mula sa ibat ibang sektor ng pamayanan, sa ibat ibang paraan. ako’y nagalak.

ngunit kasabay nito ang pagtrabaho ko. hindi naman kasi holiday.

kinahapuna, dumating ang incharge ko at ang isang kasamahang staff. ang saya saya ko dahil nakita ko sila. matagal na kasi akong nasa field at palagi akong walang kasama, kaya wala akong kausap palagi. nagkwentuhan kami tungkol sa iba ibang aspeto ng buhay habang binabalanse ko ang cash flow statement na 3 days ko nang hindi mabalanse.

matapos nito, nagtext ang nanay ko. magkita daw kami sa greenhills.

*******

pagdating ko ng greenhills, nagutom ako. wala pa sila (pamilya ko uli). may part 2 pa pala ng celebration ko. kaya nagpunta ako ng kfc.

hot shots. fries. strawberry fizz.

at umorder ako ng paborito kong BROWNIES.

pagkaupo ko, inupakan ko na agad ang unang dalawang nabanggit kong pagkain. nung akmang bubuksan ko na ang brownies (na sobrang tagal ko nang inasam asam na kainin), may isang matandang babaeng nakapasok sa KFC at nanghihingi ng limos.

eh ako yung taong hindi talaga nagbibigay ng limos. kasi karamihan sa kanila sindikato lang naman. (ito po ay opinyon ko lang ha). pero mukhang gutom na gutom na yung babae. tinignan ko muna ang hawak kong brownies, napabuntong hininga, at sinabi kong, "ate, oh, eto na lang po ibibigay ko sa inyo". nagpasalamat siya, at natuwa ako kahit siya yung kumarir ng brownies ko.

matapos ng moment na yun, pumunta na ako sa promenade. nasa time zone ang mga magulang ko at kasalukuyang nagbabasketball shooutout. nakisali ako. natuwa kami at napagod sa ginawa namin. matapos nun, kumain kami sa isang chinese restaurant. ayaw ni mommy dun pero wala siyang nagawa. may isang pamilya din na kumakain dun. birthday ng isang batang lalaki. 4 years old na siya. may cake sha sa lamesa nila. nainsecure ako. akala ko libre ng restaurant yun, kaya nung nagtanong kami, bring your own cake policy pala ang sistema nila. sana pala dinala ko yung cake ko sa bahay. mas masarap yun sa cake nung bata, sigurado yun. bleh!

pagkatapos nun pumasyal pasyal kami. nakita ko sa personal si pilita corales. ang puti niya. at ang ganda. pero kahit banat ang mukha niya, halata pa din na matanda na talaga siya. ganun pala talaga siya kumanta. lumiliyad. ang cute.

pagkatapos nun umuwi na kami.

*******

pagkatpos ng mahabang araw na iyon, isa lang ang nasambit ko kay Lord bago ako nakatulog.

SALAMAT. sa lahat lahat. napakabuti talaga niya sa akin sa ika-22 na taon na lumipas. kahit may mga kinuha Siya sa akin, may mas dakilang bagay Siyang ginawa at binigay para sa akin. ang bait talaga ni Lord.

*******

huling bumati sa akin sa mismong araw ng birthday ko. si tukayo. salamat! =)

at sa lahat ng nakaalala sa akin, maraming salamat sa inyo.

sana hindi ka nagsisi sa pagbasa mo nito.

pagpalain ka ni Yahweh.

~ by karensantiago on April 3, 2008.

2 Responses to “blogpost birthday special edition (palakpakan!!!)”

  1. Haha., Azar hindi kita nbti ng bday mu!!!

    _-=GodBlessGod!=-_

  2. akala ko mahaba na ung isa na blog mo… mas mahaba pala ito.. ai salamat tlga at ngaun lang ako nakapagbasa ng ganitong kahaba.. e kasi tamad tlga ako magbasa ng ganitong kahaba.. haha!

    kasi nman, nakakaaliw ang mga blog mo.. natawa ako dun sa brownies mo.. iba ang kumain.. pero ayus lang nman. paminsan minsan lang nman un.. hehe!

    grabe ka pala mag berdey.. double celebration.. daig mo ang 18th bersdey! hayz!! buti at nakaya mo ung ganun na puyatan eh noh? kng ako kasi natumba tumba na ako nun.. haha!

    salamat kay YAWEH dahil alam ko khit late ko na ito nabasa itong blog na ito.. ma ble-bless ako mamaya…. :D

Leave a Reply