nagtataka lang.
kumusta naman.
ako po ay nagbabalik upang maglabas ng sentimyento ng buhay buhay.
***
nagtataka lang ako ha. bakit ganun. pag magkakape tayo, gusto natin yung mainit. tapos pag iinumin na, hinihipan natin para lumamig.
bakit pag rush hour, matraffic? (maganda ang rush hour 3 ha. yun lang naman gusto kong sabihin talaga.)
pag reviewee ka ba, magkano dapat ibayad mo sa jeep? 6.00 o 7.00?
balita ko daw kalbo na ang baywalk. bakit daw? hindi ko kasi alam dahil walang tv sa dorm.
nauubusan na ba ng ideya ang mga creative artists ngayon? kasi napansin ko lahat ng pwedeng i revive, ni rerevive. pati ang nananahimik na marimar pinatos pa.
bakit ganun? holiday man o hindi, mahirap bumiyahe? pag holiday, naghihintay mapuno ang jeep ng mga isang oras. yun tipong mas maganda na lang na maglakad ka mula legarda hanggang espanya.. mas makakarating ka agad sa sakayan ng fx papuntang sm north. tapos pag hindi naman holiday, sobrang hirap naman sumakay, puno na kasi lahat ng fx. tapos yung jeep papuntang espanya nagpupuno pa din ng mga isang oras.
mas maganda yata kung tayong mga pasaherong nag aabang ng sasakyan ang maghawak ng sarili nating signboard para titigilan na lang tau ng fx o jeep (e.g., pag papunta kang recto galing pasig, hawak ka ng signboard ng QUIAPO).
bakit may mga taong pinapara ang fx kahit wala naman itong signboard? (diba jade? peace!)
at bakit may mga PUVs na tumitigil sa harap ng isang taong nakatayo lang naman sa sidewalk? hindi naman sila pinapara.
bakit kapag kulay kahel (orange) na ang stoplight eh lalong bumibilis ang takbo ng mga sasakyan sa kalsada?
bakit kapag mainit eh sana malamig na lang at pag malamig naman eh sana mainit na lang?
bakit may mga taong mahilig sa picture (gaya ko sabi nila)? para ba may mailagay sa friendster?
bakit madaming adik sa satarbucks? yung tipong kahit naubos na ang frappe nila eh dadalin pa din ang walang lamang basong disposable at hahawakan lang ito sa MRT? para ba ito sa kaalaman ng buong sambayanang pilipino na… HOY NAG STARBUCKS AKO! ANO KA HA…
bakit mura ang cheesecake sa red ribbon?
bakit pag nasa coffee shop may mga taong mahilig mangarir at mag take out ng tissue, stirrer, creamer at sugar? wala ba silang stock sa bahay nila? wala siguro kaya ganun.
bakit laging bumabaha ng libreng donuts sa KRISPY KREME? grabe napakasaya naman ng una nilang customer sa greenhills. one year supply ng donut. napakahusay. siguro after one year mukha ng donut yung taong yun.
bakit masarap matulog pag umuulan?
bakit masyadong maraming kurakot na tao dito sa pilipinas?
sa ngayon yan ang mga gumugulo sa utak ko. may sense ba?
***

tungkol sa paghawak ng mga pasahero ng signboard: alam mo bang ilang ulit ko na ring naisip yan? pambihira naman kasi yun ng sasakyan na hinto nang hinto eh di mo naman pinapara tapos dahil nakahambalang sila sa daan eh nakakalampas tuloy yun sasakyang inaabangan mo! nakakainis rin yun pag nakasakay ka na tapos hihinto yun jeep sa isang kanto at hihintayin makarating yun taong naglalakad — kainis pa kasi madalas nuknukan ng bagal lumakad yun taong yun tapos di naman pala sasakay! haaay..sayang ang oras!! eh tuwing sinasabi ko naman yun sa kung sino mang kasabay ko eh tinatawanan lang ako! hmmm..bakit nga ba hindi? ano sa tingin mo sis, pauso natin?! hehehe…
Honey said this on August 21, 2007 at 11:57 pm