header image
 

walang tubig! (hinaing ng taong gutom)

Hay, malapit na nga talaga ang eleksyon.

Gumising ako ng maaga kanina. Earlier than the usual wake up time. Wednesday kasi ngayon. Ang sked ko sa klase ay 9am, so dapat by 6am gising ka na para hindi masira ang byuti mo sa pagpila sa fx terminal (option 1), o di kaya, makasabay ako sa daddy ko para sa LRT na lang ako sasakay papuntang school (option 2).  Option 1 will cause me to incur Php60.00 transportation cost, while option 2 will just cost me Php20.00. I should take the 2nd option in order for me to achieve Php40.00 savings (60-20). Kamote! Nagkukwento ako ah! Bakit may management accounting na napasok! Grrr sorry po.

Anyway, yun nga, kahit 6am dapat eh gising na ako, 7.30am ako gumigising kasi tinatamad ako gumising ng maaga nowadays. You’ll never want to know kung bakit. Baka kasi may makabasa eh isumbong pa ako. At hindi pa ako maka-graduate. J

Pero this day is a different one. For two reasons: (1) may exam kami sa acctg14, at (2) may JOB FAIR kasi! Napuyat pa nga ako dahil sa kakaisip ng mga posibleng sagot sa posibleng itanong sa akin sa job interview at sa paghahanap ng corporate attire. Nung una nga dapat magiiskirt ako above the knee, pero hindi ko na lang tinuloy kasi baka pag upo ko pa lang eh din ako matanggap sa trabaho. Kaya nag slacks na lang ako, turtleneck at blazer courtesy of Katrina Cortez.

Paggising ko nga nang maaga, nainis ako dahil pagtingin ko sa banyo eh WALANG TUBEEEEGGG! (ganyan talaga ang nasabi ko nun.).  Kaya naman naghagilap ako ng pwedeng pagkuhanan ng tubig sa labas ngunit yung mismong igiban dito ay walang tubig din. Pagbalik ko, sinabi sa kin ng daddy ko na “may isang palangganang tubig pa sa may laundry area, ikaw na ang gumamit nun.” Kamote. Mga limang tabo lang! paano yun magkakasya sa isang matangkad na kagaya ko… kaya ang ginawa ko, nandekwat ako ng konting tubig sa mineral water dispenser para makadagdag sa pampaligo. Nyaks. Soshal nuh. Alam ko sayang kung pangpapaligo ko lang, eh wala naman akong choice! Alanaganamang pumunta ako ng job fair na may shampoo pa ang buhok ko diba.. o kaya naman may soap suds pa yung braso ko…

Tinanong ko sa tatay ko (nakaligo na ko by that time) kung bakit walang tubig.  Sabi niya may binutasan kasing parte ng kalsada dito sa may amin. Aayusin ata ang drainage at tubig. Ok ok.

Nakasabay ako sa tatay ko kaya nagkaron ako ng Php 40.00 savings sa transportation cost ko. Nung nasa kotse na kami, sa byahe, napansin ko na ang traffic masyado. Akala ko may banggaan lang o kung ano. Nung Makita ko ang salarin sa trapik… aynaman! Ginagawang kalsada ulit!

Nung naglalakad na ako papuntang skul, sobrang maingay ang kapaligiran. Nung papalapit na ako sa pinagmumulan ng ingay, napabuntung hininga na lang ako. Bakit?  Dahil may isang malaking trak (parang yung mga trak sa tank wars) na nagtitibag ng semento. Katabi nun ay mga men in orange na naghuhukay ng kalupaan. Hukay dito, hukay doon. Looks family to ah! May ginagawa na naman na kalsada.

Tsaka ko naisip na kaya ganun kasi malapit na ang eleksyon. Pabanguhan na naman ng mga pangalan ng mga kunsinong mga tao dyan na may kagustuhang tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno natin. Minsan nga pag napapatingin ako sa mga dingding sa kalsada, kahit magdrawing na lang ng pusang maliit sa dingding basta mailagay lang ang pangalan ng isang tao eh, in 100000+ font size, times new roman pa (matapos ang isang katagang IN GOD WE TRUST, in size 36 font size, wingdings pa.). O kaya naman eh lahat ng okasyon, may pabati ang ilang mga tao diyan. Yung tipong kahit birthday ng katulong nila eh ipapabanner pa (e.g., HAPPY BIRTHDAY INDAY! From mr. & Mrs. So and so and family).  Eto pa, kahit saan ako tumingin, sa waiting shed, sa mga tulay, ultimo sa paso ng punong strawberry, eh nakatadtad ang pangalan ng NAGPAGAWA NG MGA ITO (e.g., a project of Mr and Mrs Echlavou and family). Joke lang yung may family. Hehehe.

Sa totoo lang, sawa na ako sa ganyan. Iniisip ko na nga lang eh pag bumoto ako, partylist na lang ang iboboto ko, CIBAC! O dba, hanep sa segue… hehehe!

Seriously, nagppray ako n asana matuto naman tayong lahat! Hindi lang ang mga botanteng pinoy, pati na ang comelec at ang pamahalaan… mukha kasing naglolokohan na lang tayo eh.

Para

maiba lang diba.

O siya, gutom na ako.

~ by karensantiago on February 28, 2007.

5 Responses to “walang tubig! (hinaing ng taong gutom)”

  1. Grabe noh? kun kelan lang malapit ang election, ngayon lang nila naiisipan gumawa para sa taong bayan. ang malupit pa ron, wala man lang silang pinagkaiba - puro pagpapagawa ng kalsada!!! How original! ahahaha :P as if naman pera nila un ginamit sa pagpapagawa at may guts sila na ilagay un mga pangalanan nila - worse, may mga pictures pa nila. the nerve! dapat kc pinagbabawal na un mga ganon e. esp ang pagmegapost ng mga mukha nila sa kung saan-saan. nakakasira lang ng view. ang dumidumi na nga paligid, dadagdag pa sila. hindi ba nila naisip un? tsaka ang mahal kaya magpagawa ng mga poster. sana ba kun isa lang o kaya naman maliit lang. powerful! giant size pa! hehehe ;) kaya ako, hindi ko iboboto un mga ganitong pulitiko - TRAPO msyado! but on the other hand, maybe nappressure lang din sila sa mga artistang tatakbo this election. ikaw ba namang kumalaban sa artista? talong-talo ka na sa popularity! ahahaha :D pero sana lang wag gamitin ng mga incumbent politicians un pera ng taong-bayan sa election campaign nila.

    ~ayan karen ha? nagcomment ako :) malakas ka sa akin e ;) God bless you more my dear!

  2. Ate Karen, hindi na bago un…almost lahat ng mga politicians ay gumagawa nun…sna lang matutuo na ung mga tao..at ung iboboto nila ay ung tlagang krapatdapat… garapalan na ung panloloko at corruption…sana maisip ng mga tao na nagpapapogi lang ang mga politiko…

  3. Nice one karen.. tama ka jan..
    tuwing eleksyon nagkalat ang mga binubungkal na semento.. hayyy..kahit walang sira pagpipilitan pang bungkalin..
    kainis lang..kse maputik.. at ma trapik.. sana nga matuto naman ang mga kapwa natin botante sa pagboto..

  4. hay karen,what’s new? kahit nga kung tutuusin di nila dapat lagyan ng name nila mga pagawain kasi public funds naman ang ginagamit nila dun di ba? pero ang problema namanhid na ang karamihan sa ganitong sistema. kaya nga dpat tayo na ang umiba eh….wag tayong mamanhid kung may magagawa naman tayong paraan…vote CIBAC for party list, hehe, simpleng kampanya lang po.

  5. ???

Leave a Reply