header image
 

it’s a cold summer.

one week more to go. finals na. heto na naman, kakabahan na naman ako. tensionado.

i really think that this summer is one of the hardest… pano ko nasabing hardest? aside from the fact that im taking advance accounting subjects, everyday… wholeday… may mga nangyaring kakaiba sa kin ngayon.

sa studies… sobrang toxic! gigising ako nang maaga para pumasok sa school ng maghapon, then afterwards uwi na agad,,, madalas ginagabi pa ako ng uwi… mahirap kasing sumakay sa terminal kasi konti lang ang tao sa recto… tapos ganun! araw araw, paulit ulit lang ang ginagawa ko… gising, kain, byahe, aral, kain, uwi, aral, tulog… nakakasawa. sa totoo lang. pero, iniisip ko na lang, di bale.. one week na lang naman at enrollment na naman for my final year in school!

tapos… i was elected exec. secretary ng student service center sa school, parang yun ang central student council. tapos appointed president ng usbc (org ng body of christ sa school). at first ayoko talaga, kasi dagdag responsibility yun.. tapos masasabay pa sya sa mahihirap kong accounting subjects… pero matagal ko ding pinag isipan… i realized lang na hindi naman yun ilalagay sa akin kung alam nilang hindi ko kaya diba… kaya yun, tinanggap ko na din… sa una lang siguro maninibago ako… pero i know makaka adjust din ako…

hindi na din ako active ngayon sa ministry,… sa church… honestly, spiritually dry ako. ewan ko… kahit nagbabasa ako ng Bible and nagpepray… pag hindi ako nakaka attend sa church… nakakapanghina pa din. kasi kahit sunday nag aaral ako… ang hirap kasi talaga… basta hindi ko maexplain…

family… ayos naman. eto, hindi ko na sila nakikita nang madalas. kasi araw araw sa bulacan na ako umuuwi, sila madalas sa pasig. si daddy and karmi minsan sa bulacan umuuwi… minsan nga nakakalungkot mag isa eh. kaya nga pagdating ko galing school, kakain na lang ako, tapos aral, then tulog na. wala naman kasi akong makakausap dun, mag isa lang kasi ako.pero konting tiis na lang, pag nagawa na ang ang haus namin sa pasig makakasama ko na silang lahat…

lovelife. ahmmm… complicated. sobra. nakakatawa lang, kasi pag gusto mo ang isang tao, hindi na siya pwede… pag siya naman ang pwede… ako naman ang hindi. nakakatawa lang. basta. ayoko na talaga. mag aaral na lang ako.

madalas akong mag isa ngayon. kaya malungkot. tapos maiiwan ka pa ng ibang tao. kung kelang kailangan mo sila, hindi mo mahagilap. nakakaiyak. pero knowing the fact that God is always there to help and comfort me, kahit pasaway ako… ok na din kahit paano. pero mas ok pa din yung palagi kang may kasama at nakakausap from time to time. sa school, masayahin at makulit akong tao. pero pag labas ko na sa school, iba na… dun ko nararamdaman yung sadness of being alone. basta.

yun lang. thanks pala sa lahat ng nagcocomment ha. :) appreciated.

God bless sa ating lahat at sana malagpasan ko na ang summer course ko! sana maka graduate na ako… sana maging CPA ako! hayyy…

~ by karensantiago on May 19, 2006.

4 Responses to “it’s a cold summer.”

  1. napadpad sa friendster. nang di sinasadya.. napascroll pababa. may nabasa. sabi… “visit my blog. :) heheheh wala lang”

    tapos “basahin niyo naman mga sentiments ko sa buhay..”

    ay meron pa pala.. “leave your comments na lang.”

    kaya eto. nandito ako. nagbasa. at nagcocomment. >_<

    nyak. walang kwentang comment. nagkwento lang… ahahahaha.. pero ok lang yun. kasi….. di ko rin alam. kaya eto na lang.. HI ATE KAREN! bwahahahaha!!! visit my blog.. tag ka a.. ^^

    http://pinoytsapsuy.blogspot.com

    God bless. [no compromise!] Xp

  2. hi. :p kkb din ako. i saw your email add posted on the kkbforum and i was so curious to look if you hav account in friendster.. hehe. well, studying is not an easy task… but there’s no impossible to God (Luke 1:37) ayt??? alot of prayer would help solve your problem, which i think is about time management. God bless you. catch ya later..

  3. **correction.. nothing pala yun hindi “no” :)

  4. Wow. Finally your 1 year away from attaining your long term goal. To Graduate. Well same tayo, even though na older ka ng isang taon. Hehehe…

    Wow, mukhang hirap tlga magaral noh. Ganyan din nararanasan ko pag pumapasok. Paulit ulit nlang ang araw. Pero i think i can suggest a way para everyday is a different day.

    Try observe things. Paano? Observe things and how God work on small things. Kasi everyday, may ginagawa si God na kakaiba, even small things. Kahit ndi natin napapansin ung maliliit na bagay na ginagawa ni Lord, alam natin that this little thing can affect our future. Malay nating ang simpleng bagay na ginawa nya e magpapabago ng buhay mo, pero in the right time. So un… Para bang buto ng prutas, hinihintay sumibol hanggang sa tamang oras, tpos makakain mo na xa. Aun.

    Ei, visit ka din sa blog ko… Comment ka din sa mga post ko ha. God Bless po!

    [21]

Leave a Reply