header image
 

a very tiring vacation for the holiday season….

i’m now here at netopia in edsa central. kakatapos ko lang bumili ng gamot. hay. tinatamad pa kong umuwi. tagal na din (again) palang hindi ko naupdate tong blog ko. well. wazzup. ok lang ba kayo dyan?

house blessing namin sa bulacan last december 26.  and i think, mapapadalas na ako na dun muna umuwi. gagawin kasi yung house namin sa pasig. ang ganda dun promise. para kang nasa paraiso. hehehe. ang ganda kasi ng kubo. tapos may terrace pa, kaharap mo pa garden. ang sarap mag senti! hehehe. and im glad kasi nung house blessing namin kasama ko ang mothball girls. kung gusto niyo makita ibang pictures check it out on my profile dito sa friendster. hehehe.

malapit na mag new year. 3 days na lang. 2006 na. tatanda na naman tayong lahat ng isang taon nuh. ganun lang talaga siguro. ang masasabi ko this 2005, sobrang challenging year for me. dami ko kasing pinag daanang trials, hardships, hurt and pain. pero sa awa ng Diyos nalagpasan ko naman. well. hindi naman hayaan ni Lord na maranasan ko ang mga to kung alam Nyang di ko kaya eh. it all up to me kung kakayanin ko ba o hindi. pero eto nga. nalagpasan ko naman. may mga gusto ako na hindi ko nakuha. pero naintindihan ko na din. kasi hindi naman para sa akin yun. kaya tanggap ko na ngayon. all i have to do now is to enjoy the things that i have for the meantime. hehehe. masaya naman ako ngayon eh. may mga taong umalis, at dumating din sa buhay ko na ikinasaya ko naman. I thank God for these people. specially ang family ko. pati lalo ang MOTHBALL girls! hindi ko kayo ipagpapalit kahit sa isang milyong dolyar (pero kung 10M dollars baka mag dalawang isip ako. joke!). basta, mahal na mahal ko kayo. ate ode, ate neth, ate etchie, ate cristy and ate pepot. :)

may mga challenges o hamon na inimpress ni Lord sa heart ko ngayon. honestly speaking, i think hindi ko kakayanin talaga. pero all i can do now is pray and ask for His help para kayanin ko yung pinapagawa Nya sa akin. and shempre i have to strengthen my faith and love for Him kasi diba, yun ang magiging foundation ko for Him to use me mightily in whatever purpose He would want me to do. sabi nga ni ptr. bobot dapat maging kaya tayo ng toothpaste tube. willing to be squuezed, twisted, smashed and everything to bring out each and every energy, skill and talents in serving God diba… hanggang sa huling sandali ng buhay natin.

dami ko nang naikwento nuh! hehehe. comment kayo ha. ill wait. hehehe. or you may want to text or PM me. wala ngang mashadong nagtetext sa akin eh. eheheh. wala lang.

sige, uuwi na ako ha. baka hinahanap na ko ng nanay ko.

~ by karensantiago on December 29, 2005.

2 Responses to “a very tiring vacation for the holiday season….”

  1. Gnda ng pangalan ng blog mo! Cannot Find Server!

    [21]

  2. Blogwalking ..
    nice posting i found here,.. thanks for the info

Leave a Reply