ganun pala ang feeling pag nagdonate ka ng blood…
kakatapos ko lang magpadonate ng dugo.
pagdating ko sa school, may malaking streamer dun sa may gate (na mas malaki pa ata sa gate ng school)…may blood donating activity daw. nung nabasa ko, wa care. wala naman kasi ako balak magpadonate ng dugo eh. pagdaan ko sa lobby (dun ginawa yung event), nakita ko yung kabarkada kong sina olga and katrina, si olga kakatapos lang mag donate ng dugo. sabi nila pati din daw ako. si kat kasi hindi pwede, kasi underweight sya. i attended my class muna. taxation and finance. after ng finance nung bumaba uli ako, may nag approach sa ken (hehehe) pa donate daw ako…nung una ayoko talaga pero i decided na subukan. i filled up the form, nagpatimbang (parang karne heheh),medical check up, tapos blood typing. takot talaga ako. nung humiga na ko, kukunan na nga talaga ako ng dugo…gininaw talaga ako sa takot….sabi ng friend ko na sinamahan ako…nanginginig daw talaga ako…ang sakit sa una, mejo iyak tawa ang emosyon ko nun, pero nung sinabi ng nagkuha ng dugo sa kin na "nakatulong ka sa isang bata"…mejo natigilan ako. lalo ako nagrelax and ayun, nung hinugot na yung karayom, napasigaw ako sa sakit, pero ayos lang. may libre namang mocha cake at zesto eh. hehehe.
pero hindi yun ang habol ko nuh. may natutunan ako. in our own ways talaga we can help other people survive. isipin mo na lang, yung 450cc na binigay mong dugo…malaking tulong na pala yun.
kaya i encourage you na pag may chance, at kung pwede ka, be a blood donor. you can help.

hehehe naks naman… pero lam mo hindi ko mapicture kung gano karami ang 450cc eh sorry. kain ka ng madaming atay para manumbalik yung dugo mo hehehe
Shine said this on September 14, 2005 at 3:16 am
Ilang litro ng dugo nawala sayo?? Hehe! Kaya naman maka cope up ng hematopoetic system natin within hours sa tulong ng mga stem cells na nagfform sa bone marrow natin e…
[21]
Cheztre FULL said this on September 16, 2005 at 2:39 am